2023
Pagtatamo ng Kapangyarihan ng Diyos sa Pamamagitan ng mga Tipan
Mayo 2023


Pagtatamo ng Kapangyarihan ng Diyos sa Pamamagitan ng mga Tipan

Mga Sipi

wallpaper

I-download ang wallpaper

Bago nilikha ang daigdig, nagtatag ang Diyos ng mga tipan bilang mekanismo upang tayo, na Kanyang mga anak, ay makiisa sa Kanya. …

… Nakikipagtipan lamang tayo kapag hangad nating lubusang maging tapat sa pagtupad nito. Tayo ay nagiging mga pinagtipanang anak ng Diyos at tagapagmana ng Kanyang kaharian, lalo na kapag nagsisikap tayong gawing pangunahing bahagi ng ating pagkatao ang ating tipan.

Ang katagang landas ng tipan ay tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga tipan na naglalapit sa atin kay Cristo at nag-uugnay sa atin sa Kanya. Sa nagbibigkis na tipan na ito, maaari nating matamo ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan. Ang landas ay nagsisimula sa pagsampalataya kay Jesucristo at pagsisisi, na sinusundan ng pagpapabinyag at pagtanggap ng Espiritu Santo. …

Ang landas ng tipan ay humahantong sa mga ordenansa ng templo, tulad ng temple endowment. Ang endowment ay kaloob ng Diyos na mga sagradong tipan na nag-uugnay sa atin nang mas lubusan sa Kanya. …

Ang pagtupad sa mga tipan na ginagawa sa mga bautismuhan at templo ay nagbibigay din sa atin ng kapangyarihang tiisin ang mga pagsubok at pighati sa mortalidad. …

Habang tumatahak kayo sa landas ng tipan, mula sa binyag hanggang sa templo at habambuhay, ipinapangako ko sa inyo ang kapangyarihang salungatin ang likas na daloy ng kamunduhan—kapangyarihang matuto, kapangyarihang magsisi at mapabanal, at kapangyarihang makasumpong ng pag-asa, kapanatagan, at maging ng kagalakan kapag may mga hamon kayo sa buhay. Nangangako ako sa inyo at sa inyong pamilya ng proteksyon laban sa impluwensya ng kaaway, lalo na kapag ang templo ang pangunahing pinagtutuunan ninyo ng pansin sa buhay.