Iisa kay Cristo
Mga Sipi
Tanging kay Jesucristo tayo tunay na magiging isa.
Ang pagiging isa kay Cristo ay nangyayari nang paisa-isa—sinisimulan natin ito sa ating sarili. Tayo ay mga nilalang na may laman at espiritu at kung minsan may pagtatalo sa mismong pag-iisip at damdamin natin. …
Si Jesus din ay naging laman at espiritu. Siya ay sinubok; Siya ay nakauunawa; matutulungan Niya tayong pag-isahin ang sariling isipan at damdamin natin. …
… Ang “[ibihis] si Cristo” ay kinapapalooban ng paggawa ng Kanyang “dakila at unang utos” [tingnan sa Mateo 22:37–38] bilang ating una at pinakamatibay na pangako, at kung mahal natin ang Diyos, susundin natin ang Kanyang mga utos.
Ang pagiging isa sa ating mga kapatid sa katawan ni Cristo ay lumalakas kapag sinusunod natin ang pangalawang utos—na hindi maihihiwalay sa una—na mahalin ang kapwa gaya sa ating sarili. …
Sa pamamagitan ng ating “pagbihis kay Cristo,” nagiging posible na resolbahin o isantabi ang mga pagkakaiba-iba, di-pagkakasundo, at mga alitan. …
Ang pagkakaisa ay hindi nangangailangan ng pagkakapare-pareho, kundi kailangan dito ang pagkakasundo. Maaari nating mapagbigkis ang ating mga puso sa pagmamahal, magkaisa sa pananampalataya at doktrina, at sabay na suportahan ang magkaibang koponan, magkaroon ng magkakaibang opinyon sa mga usapin sa pulitika, pagdebatihan ang mga mithiin at ang tamang paraan sa pagkamit sa mga ito, at marami pang iba. Ngunit hindi tayo dapat tumututol o nakikipagtalo sa isa’t isa nang may galit at panghahamak. …
Sinasabi kong muli na tanging sa pamamagitan ng ating kani-kanyang katapatan at pagmamahal kay Jesucristo tayo makakaasa na maging isa—isa sa isip at damdamin natin, isa sa tahanan, isa sa Simbahan, at sa huli maging isa sa Sion, at higit sa lahat, maging isa sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.