2023
Kahit Kailan Huwag Palampasin ang Pagkakataong Magpatotoo Tungkol kay Cristo
Mayo 2023


Kahit Kailan Huwag Palampasin ang Pagkakataong Magpatotoo Tungkol kay Cristo

Mga Sipi

wallpaper

I-download ang wallpaper

Hindi man natin naranasan na maging pisikal na malapit kay Cristo noong Kanyang ministeryo sa mundo na tulad ng mga nakasama Niya, pero mararanasan natin sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang Kanyang kapangyarihan sa bawat araw! Hangga’t kailangan natin! …

… Ang pagiging malapit natin kay Cristo ay lumalago sa pamamagitan ng pagsamba nang madalas sa templo, araw-araw na pagsisisi, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, pagdalo sa simbahan at seminary, pagninilay sa ating mga patriarchal blessing, karapat-dapat na pagtanggap ng mga ordenansa, at pagtupad sa mga sagradong tipan. Lahat ng ito ay nag-aanyaya sa Espiritu na bigyang-liwanag ang ating isipan, at ang mga ito ay naghahatid ng karagdagang kapayapaan at proteksyon. Ngunit itinuturing ba natin ito bilang mga sagradong pagkakataon na magpatotoo tungkol kay Cristo? …

Napakabisang gawin ang mabubuting gawaing ito bilang pagsaksi kaysa bilang listahan ng mga gagawin. Unti-unti lang ang proseso ngunit ito ay susulong din sa araw-araw at masigasig na pakikibahagi at makabuluhang mga karanasan kay Cristo. Kapag palagi tayong kumikilos ayon sa Kanyang turo, nagkakaroon tayo ng patotoo tungkol sa Kanya; nakakabuo tayo ng ugnayan sa Kanya at sa ating Ama sa Langit. Nagsisimula na tayong maging katulad Niya.

Ang kaaway ay lumilikha ng napakaraming ingay kaya maaaring mahirap marinig ang tinig ng Panginoon. … Nais nating makagawian ang pagkadisipulo at pagpapatotoo na aakay sa atin na umasa at magtiwala sa ating Tagapagligtas sa bawat araw.

… Hanapin si Cristo sa lahat ng dako―ipinapangako ko na nariyan Siya! Ang tunay na kagalakan ay nakasalalay sa kahandaan nating mas mapalapit kay Cristo at masaksihan natin mismo sa ating sarili.