2023
Hosana sa Kataas-taasang Diyos
Mayo 2023


Hosana sa Kataas-taasang Diyos

Mga Sipi

wallpaper

I-download ang wallpaper

Halos 2,000 libong taon na ang nakararaan, ang Linggo ng Palaspas ang naging tanda ng simula ng huling linggo ng mortal na ministeryo ni Jesucristo. …

Ang matagumpay na pagpasok ni Jesucristo sa Jerusalem at ang mga pangyayari sa linggong kasunod niyon ay nagpakita ng halimbawa ng doktrina na maaari nating ipamuhay ngayon. …

Una, propesiya. …

Pangalawa, ang patnubay ng Espiritu Santo. …

Pangatlo, pagkadisipulo. …

Pang-apat, ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. …

Noong huling linggo ng Kanyang mortal na ministeryo, ibinigay ni Jesucristo ang talinghaga ng sampung dalaga o birhen. … Ginamit Niya ang imahe ng mga ilawang may sindi at nagniningas, na may sobrang langis para panatilihin ang ningas, bilang paglalarawan sa kahandaang ipamuhay ang Kanyang mga halimbawa, tanggapin ang Kanyang mga katotohanan, at ibahagi ang Kanyang liwanag. …

Tayo, tulad ng sampung dalaga o birhen, ay may mga ilawan; ngunit may langis ba tayo? Nangangamba ako na may ilang nakakaraos sa kaunting langis lamang, lubhang abala sa mga alalahanin ng mundo para makapaghanda nang wasto. Ang langis ay nagmumula sa paniniwala at pagkilos ayon sa propesiya at sa mga salita ng mga buhay na propeta, lalo na ni Pangulong Nelson, ng kanyang mga tagapayo, at ng Labindalawang Apostol. Napupuno ng langis ang ating kaluluwa kapag naririnig at nadarama natin ang Espiritu Santo at kumikilos tayo ayon sa banal na patnubay na iyon. Bumubuhos ang langis sa ating puso kapag nakikita sa ating mga pagpili na mahal natin ang Panginoon at mahal natin ang Kanyang minamahal. Ang langis ay nagmumula sa pagsisisi at paghahangad na mapagaling ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.