Mga Alagad ng Prinsipe ng Kapayapaan
Mga Sipi
Bilang mga disipulo ng Prinsipe ng Kapayapaan, iniutos sa atin na mamuhay na ang “mga puso ay magkakasama sa pagkakaisa at sa pag-ibig sa isa’t isa” [Mosias 18:21]. …
… Isa sa nakikitang mga palatandaan na mas napapalapit tayo sa Tagapagligtas at nagiging higit na katulad Niya ay ang mapagmahal, matiyaga, at mabait na pakikitungo natin sa ating kapwa, anuman ang sitwasyon. …
… Kung pag-iisipan ang turong ito ng propeta, hindi na nakakagulat na isa sa mga taktika ng kaaway ay pukawin ang pagkamuhi at pagkapoot sa puso ng mga anak ng Diyos. Natutuwa siya kapag nakikita niya na pinipintasan, kinukutya, at sinisiraan ng mga tao ang isa’t isa. …
Mahal kong mga kapatid, kapag sinisikap nating magkaroon ng mga katangiang tulad ng sa Tagapagligtas, maaari tayong maging mga kasangkapan ng Kanyang kapayapaan sa mundo ayon sa huwarang itinakda Niya. Inaanyayahan ko kayong pag-isipan ang mga paraan na mababago natin ang ating sarili at maging mga taong nagbibigay ng inspirasyon at suporta, may pusong maunawain at mapagpatawad, tumitingin sa pinakamabuti sa kapwa, laging naaalala na “kung may anumang bagay na marangal, kaaya-aya, o magandang balita, o maipagkakapuri, hinahangad [natin] ang mga bagay na ito” [Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13].
Ipinapangako ko sa inyo na kapag pinagsikapan at pinagbuti natin ang mga katangiang ito, tayo ay magiging mas mabait at madaling makahiwatig sa mga pangangailangan ng ating kapwa at makadarama tayo ng kagalakan, kapayapaan, at espirituwal na pag-unlad.