2023
Ministering
Mayo 2023


Ministering

Mga Sipi

Larawan
wallpaper

I-download ang wallpaper

Bilang mga [alagad] ni Jesucristo, hangad nating maglingkod sa iba gaya ng gagawin Niya dahil may mga buhay na naghihintay na mabago. …

Saan man ako magpunta, nagpapasalamat akong matuto mula sa mga nagmi-minister at nangangalaga na tulad ng Tagapagligtas. …

Ang mas mataas at mas banal na ministering ay dumarating kapag tayo ay nagdarasal na magkaroon ng “dalisay na pag-ibig ni Cristo” [tingnan sa Moroni 7:47–48] at sumusunod sa Espiritu. …

… Sa maraming lugar, maaari tayong tumulong, umunawa sa katayuan ng iba, at bumuo ng mga ugnayan kapag regular nating binibisita ang mga miyembro sa kanilang tahanan. Ang inspiradong mga imbitasyon ay nakapagpapabago ng buhay. Kapag tinutulungan tayo ng mga imbitasyon na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan, mas napapalapit tayo sa Panginoon at sa bawat isa. …

Pinagpapala ng inspiradong ministering ang mga pamilya at indibiduwal; pinapalakas din nito ang mga ward at branch. …

Ang Tagapagligtas ang ating perpektong halimbawa. Dahil Siya ay mabuti, maaari Siyang maglibot na gumagawa ng mabuti. Pinagpapala Niya ang isa at ang 99. Siya ang huwaran ng ministering. …

Si Jesucristo ay naglilingkod. Ang mga anghel ay naglilingkod. … Sa paglilingkod natin na gaya ng gagawin Niya, nasasaksihan natin ang Kanyang mga himala at ang Kanyang mga pagpapala. …

Sa tuwing panahon ng Pasko ng Pagkabuhay, tumulong tayo at mangalaga na tulad ng gagawin ng Tagapaligtas, lalo na sa mga taong may pribilehiyo at takdang-gawain tayong mahalin at i-minister. Sa paggawa nito, nawa ay mas mapalapit tayo kay Jesucristo at sa bawat isa, na nagiging mas katulad Niya at ng mga [alagad] ni Jesucristo na nais Niya tayong maging.

Print