Alalahanin Kung Ano ang Pinakamahalaga
Mga Sipi
Ngayo’y ibabahagi ko [ang] ilang nadarama at iniisip ko tungkol sa kung ano ang pinakamahalaga.
Una, ang ugnayan sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang Anak, ang Panginoong Jesucristo, ang pinakamahalaga. Ang ugnayang ito ang pinakamahalaga ngayon at sa kawalang-hanggan.
Pangalawa, ang mga ugnayan sa pamilya ay kasama sa mga bagay na pinakamahalaga. …
Nauunawaan ko na ang ilan ay maaaring hindi nagkaroon ng mga pagpapala ng isang mapagmahal na pamilya, kaya isinasama ko ang malalayong kamag-anak, kaibigan, at maging ang mga pamilya ng ward bilang “pamilya.” Ang mga ugnayang ito ay mahalaga para sa emosyonal at pisikal na kalusugan. …
Ang isa pang bagay na pinakamahalaga ay ang pagsunod sa mga pahiwatig ng Espiritu sa ating pinakamahahalagang ugnayan at sa ating mga pagsisikap na mahalin ang ating kapwa tulad sa ating sarili, pati na sa ating mga paglilingkod na pribado at pampubliko. …
Sa huli, sa Linggo ng Palaspas na ito, pinatototohanan ko na ang pagbabalik-loob sa Panginoon, pagpapatotoo tungkol sa Kanya, at paglilingkod sa Kanya ay kabilang din sa mga bagay na pinakamahalaga. …
Hindi sapat ang magkaroon lamang ng patotoo. Habang lumalago ang ating pagbabalik-loob kay Jesucristo, likas nating ninanais na patotohanan Siya—ang Kanyang kabutihan, pagmamahal, at kabaitan. …
Inaanyayahan ko kayong magpatotoo tungkol kay Jesucristo nang mas madalas. …
Ang mga may nadarama dahil sa inyong patotoo ay maaaring hilingin sa Panginoon sa panalangin na pagtibayin ang katotohanan ng inyong patotoo. Pagkatapos ay malalaman nila iyon mismo.