Sesyon sa Linggo ng Umaga
Naapuhap ng Aking Isipan ang Kaisipang Ito Tungkol kay Jesucristo
Mga Sipi
Isang pambihirang kuwento sa Aklat ni Mormon ang tungkol sa isang binatang mula sa kilalang pamilya, na nagngangalang Alma, na sabi sa mga banal na kasulatan ay [isang taong walang pananalig na] naniniwala sa mga diyus-diyusan. …
Sa kawalan niya ng pag-asa, naalala niya na itinuro sa kanya noong kanyang kabataan ang tungkol sa “pagparito ng isang Jesucristo, isang Anak ng Diyos, na magbabayad-sala para sa sanlibutan” [Alma 36:17]. … Habang sumasamo siya para sa banal na kapangyarihan ng Tagapagligtas, may nangyaring himala. … Bigla siyang nakadama ng kapayapaan at liwanag. …
“Naapuhap” ni Alma ang katotohanan tungkol kay Jesucristo. …
… Kumikilos nang may pananampalataya sa katotohanang iyan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan at biyaya ng Diyos, siya ay nasagip mula sa kalungkutan at napuno ng pag-asa.
… “Naapuhap [din ng ating] kaisipan” ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mahabaging sakripisyo, at nadama ng ating mga kaluluwa ang liwanag at galak na kasunod nito. …
… Ang pagmamahal natin sa Kanya ay hindi nagliligtas sa atin laban sa lungkot at pighati sa buhay na ito, ngunit tinutulutan tayo nitong lumakad sa mga hamon nang may lakas na higit pa sa ating sariling lakas. …
Sa pagpokus ng ating pansin kay Jesucristo, lahat ng nakapaligid sa atin—bagaman narito ngayon—ay nakikita natin na taglay ang ating pagmamahal sa Kanya. … Habang patuloy ninyong pinagtutuunan ng pansin ang pag-apuhap sa kaisipang ito tungkol kay Jesucristo, ang pagtitiwala sa Kanya, at ang pagsunod sa Kanyang mga kautusan, ipinapangako ko sa inyo hindi lamang ang patnubay ng langit kundi maging ang kapangyarihang mula sa langit—kapangyarihan na naghahatid ng kalakasan sa inyong mga tipan, kapayapaan sa inyong mga paghihirap, at kagalakan sa inyong mga pagpapala.