Pagkakaroon ng Personal na Kapayapaan
Mga Sipi
Magsasalita ako ngayon tungkol sa natutuhan ko tungkol sa himala ng pagkakaroon ng personal na kapayapaan, anuman ang ating sitwasyon. …
May natutuhan ako na limang katotohanan mula sa turong iyon ng Tagapagligtas.
Una, ang kaloob na kapayapaan ay ibinibigay matapos [tayong] magkaroon ng pananampalataya na sundin ang Kanyang mga utos. …
Pangalawa, ang Espiritu Santo ay darating at makakasama natin. …
Pangatlo, nangako ang Tagapagligtas na kapag tinupad natin ang ating mga tipan, madarama natin ang pagmamahal ng Ama at ng Anak para sa isa’t isa at para sa atin. …
Pang-apat, ang pagtupad sa mga kautusan ng Panginoon ay nangangailangan ng higit pa sa pagsunod. Dapat nating mahalin ang Diyos nang buong puso, lakas, pag-iisip, at kaluluwa natin. …
Panglima, malinaw na labis tayong minamahal ng Panginoon kaya binayaran Niya ang halaga ng ating mga kasalanan upang—sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya at sa ating pagsisisi, sa pamamagitan ng epekto ng Kanyang Pagbabayad-sala—maaari nating matanggap ang kaloob na kapayapaan na “hindi maabot ng pag-iisip” [Mga Taga Filipos 4:7], sa buhay na ito at sa piling Niya magpakailanman. …
Nadama na ng mga miyembro ng Simbahan sa iba’t ibang lugar ang kaloob na personal na kapayapaan ng Panginoon. Hinihikayat Niya ang lahat na tulungan ang iba na magkaroon ng mga pagkakataon na lumapit sa Kanya at maging marapat para sa ganitong kapayapaan sa kanilang sarili. Pagkatapos, sila naman ang magpapasiya na maghangad ng inspirasyon na malaman kung paano nila maipapasa ang kaloob sa iba.
Ang bagong salinlahi ang magiging tagapangalaga ng mga susunod na henerasyon. Ang mga pagsisikap ay madaragdagan nang madaragdagan sa mahimalang paraan. Lalaganap ito at lalaki sa paglipas ng panahon, at ang kaharian ng Panginoon sa lupa ay magiging handa na batiin Siya habang sumisigaw ng hosana. Magkakaroon ng kapayapaan sa mundo.