Ang mga Turo ni Jesucristo
Mga Sipi
Gaya ng itinuro sa atin ng propetang si Nephi, [dapat tayong] “magpakabusog … sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”1 … Ang mensahe ko ngayon ay binubuo ng mga piling salita ng ating Tagapagligtas—ng mga sinabi Niya. …
“[Ang dakilang utos sa batas ay] Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.
“Ito ang dakila at unang utos.
“At ang pangalawa ay katulad nito, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.
“Sa dalawang utos na ito nakasalig ang buong kautusan at ang mga propeta.”2 …
“Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, kinakailangan kayong mag-ingat at laging manalangin, na baka kayo ay matukso ng diyablo, at maakay niya kayong palayo na bihag niya.”3 …
“Anuman ang inyong gagawin, gagawin ninyo ito sa aking pangalan; kaya nga tatawagin ninyo ang simbahan sa aking pangalan.”4 …
“Ngayon, ito ang kautusan: Magsisi, lahat kayong nasa mga dulo ng mundo, at lumapit sa akin at magpabinyag sa aking pangalan, upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo, upang kayo ay makatayong walang bahid-dungis sa aking harapan sa huling araw.”5 …
Naniniwala tayo kay Cristo. Magtatapos ako sa sinabi Niya tungkol sa kung paano natin dapat malaman at sundin ang Kanyang mga turo:
“Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng aking sinabi sa inyo.”6