Ang Pinakadakilang Kuwento sa Pasko ng Pagkabuhay
Mga Sipi
Marahil, ang naitanong namin sa aming sarili ay maaari nating pag-isipang lahat: Paano natin maituturo at maipagdiriwang ang Pagkabuhay na Muli ni Jesucristo, ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay, nang may [gayon ding balanse, kabuuan, at mayamang tradisyon sa relihiyon ng pagsilang ni Jesucristo, ang kuwento] ng Pasko? …
… At pagkatapos ay nakatanggap kami ng inspirasyon mula sa langit: Bukod pa sa mahahalagang talata sa Bagong Tipan tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay, tayo bilang mga Banal sa mga Huling araw ay pinagkalooban ng napakagandang regalo sa Pasko ng Pagkabuhay! … Ang tinutukoy ko siyempre ay ang Aklat ni Mormon at, mas partikular, ang salaysay tungkol sa pagpapakita ni Jesucristo sa mga naninirahan sa Bagong Daigdig sa Kanyang nabuhay na mag-uling kaluwalhatian. …
… Inaasam naming gawing bahagi rin ng aming tradisyon sa Pasko ng Pagkabuhay ang mga kabanatang ito sa 3 Nephi na tulad ng pagiging bahagi ng Lucas 2 ng aming tradisyon sa Pasko. Ang totoo, ibinabahagi ng Aklat ni Mormon ang pinakadakilang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Huwag hayaang mabalewala ang pinakadakilang kuwentong ito ng Pasko ng Pagkabuhay.
Inaanyayahan ko kayong tingnan ang Aklat ni Mormon sa isang bagong pananaw at isaalang-alang ang malalim na patotoo nito sa realidad ng buhay na Cristo pati na ang lawak at lalim ng doktrina ni Cristo. …
Ang Kanyang pagdalaw bilang nabuhay na muling Tagapagligtas, na pinasimulan ng Diyos Ama, ay isang napakamaluwalhating mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay. Tutulungan nito ang ating mga kapamilya na magkaroon ng personal na patotoo kay Jesucristo bilang ating Tagapagligtas at Manunubos, na kumalag sa mga gapos ng kamatayan.