2023
Ligtas na Natipon sa Kanyang Tahanan
Mayo 2023


Ligtas na Natipon sa Kanyang Tahanan

Mga Sipi

wallpaper

I-download ang wallpaper

Nais ng Ama ng ating mga espiritu na ligtas na matipon sa Kanyang tahanan ang Kanyang mga anak. …

Ang mga tatanggap ng ebanghelyo ni Jesucristo, anuman ang pinagmulan nila, ay magiging bahagi ng tinipon na Israel. Sa pamamagitan ng pagtitipon na iyon at ng maraming templong itinatayo at inanunsiyo, tayo ay nasa isang natatanging posisyon na tipunin ang Israel sa magkabilang panig ng tabing sa paraang hindi pa nagagawa kailanman sa plano ng Ama. …

… Nagpapasalamat kami na pinalalawak ng mga miyembro at missionary ang mga pagsisikap na tipunin ang nakalat na Israel. … Gayunpaman, ang ating tapat na pangakong magmahal, magbahagi, at mag-anyaya, ay maaari pa nating palawigin.

Ang mahalagang bahagi ng pagsisikap na ito sa gawaing misyonero ay para ang indibiduwal na mga miyembro ay maging gabay na liwanag saanman tayo nakatira. Hindi tayo maaaring magtago. Ang mga halimbawa natin ng kabaitan, kabutihan, kagalakan, at tapat na pagmamahal para sa lahat ng tao na katulad ng kay Cristo ay lumilikha hindi lamang ng gumagabay na liwanag para sa kanila kundi ng pagkakaunawa na may ligtas na kanlungan sa mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. …

Nirerespeto natin ang kalayaang pumili. Sa sekular na mundong ito, marami ang hindi tutugon at makikilahok sa pagtitipon ng Israel. Ngunit marami rin ang tutugon dito, at inaasahan ng Panginoon na ang mga tumanggap ng Kanyang ebanghelyo ay magsisikap upang maging halimbawa ng gumagabay na liwanag na tutulong sa ibang tao na lumapit sa Diyos. Tutulungan nito ang ating mga kapatid sa iba’t ibang bahagi ng mundo na matamasa ang napakagagandang biyaya at ordenansa ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo at ligtas na matitipon sa Kanyang tahanan.