2023
Si Jesucristo ang Lakas ng mga Magulang
Mayo 2023


Si Jesucristo ang Lakas ng mga Magulang

Mga Sipi

Larawan
wallpaper

I-download ang wallpaper

Kung si Jesucristo ang lakas ng mga kabataan, si Jesucristo rin ang lakas ng mga magulang. …

Ang pagmamahal ng isang magulang sa anak ang isa sa pinakamalalakas na puwersa sa sansinukob. Isa ito sa iilang bagay sa mundong ito na tunay na maaaring maging walang-hanggan. …

Ang isa pang lakas na mayroon kayo, bilang isang magulang, ay ang pagkakataong patuloy na makaimpluwensya araw-araw. …

Ang isa pang mabisang paraan na sinusuportahan ng Panginoon ang mga magulang ay sa pamamagitan ng kaloob na personal na paghahayag. Sabik ang Diyos na ibuhos ang Kanyang Espiritu para gabayan ang mga magulang. …

Ang pinakamahalagang tulong marahil na inaalok ni Jesucristo sa mga magulang ay ang “malaking pagbabago” ng puso. Ito ay isang himalang kailangan ng bawat isa sa atin. …

… Sa pamamagitan ng biyaya ng Tagapagligtas, paunti-unti, magkakaroon kayo ng iba pang mga katangiang kailangan ng mga magulang: pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang mga anak, pasensya, pagiging di-makasarili, pananampalataya kay Cristo, at tapang na gumawa ng mabubuting pasiya. …

Ang pagsisikap nating manampalataya kay Jesucristo ay nakasento sa tahanan at nakatuon sa indibiduwal. At suportado ito ng Simbahan. Maliban sa mga sagradong banal na kasulatan at salita ng mga propeta, nag-aalok din ang Simbahan ng Tagapagligtas ng maraming resources para matulungan ang mga magulang at anak na gumawa ng mga tamang pagpapasiya. …

Sa plano ng Ama sa Langit, ang mga relasyon ng pamilya ay nilayong maging walang hanggan. Kaya nga, bilang magulang, huwag kayong sumuko kailanman, kahit hindi ninyo ipinagmamalaki ang nakaraan.

Sa tulong ni Jesucristo, ang Dalubhasang Manggagamot at Tagapagligtas, maaaring magkaroon palagi ng bagong simula; lagi Siyang nagbibigay ng pag-asa.

Si Jesucristo ang lakas ng mga pamilya[,] kabataan[,at] mga magulang.

Print