2023
“Manahan sa Akin, at Ako sa Iyo; Kaya Nga, Lumakad Kang Kasama Ko”
Mayo 2023


“Manahan sa Akin, at Ako sa Iyo; Kaya Nga, Lumakad Kang Kasama Ko”

Mga Sipi

wallpaper

I-download ang wallpaper

““At sinabi ng Panginoon kay Enoc: …

“… Ikaw ay mananahan sa akin, at ako sa iyo; kaya nga, lumakad kang kasama ko” [Moises 6:32, 34; idinagdag ang diin]. …

Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan ng Panginoong Jesucristo na manahan sa Kanya. Ngunit paano nga ba natin malalaman ang kahulungan ng manahan sa Kanya at paano natin ito gagawin?

Ang salitang manahan ay nagpapahiwatig ng hindi paggalaw o pagiging matatag at hindi natitinag. … Kung gayon, nananahan tayo kay Cristo kapag matatag at matibay ang ating pagsampalataya sa Manunubos at sa Kanyang mga banal na pangako, anuman ang ating kalagayan.

Nagsisimula tayong manahan sa Panginoon sa pamamagitan ng kusa nating pagpasan sa Kanyang pamatok sa pamamagitan ng mga tipan at mga ordenansa ng ipinanumbalik sa ebanghelyo. …

Nananahan tayo sa Kanya sa pamamagitan ng tunay na pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo. …

Nananahan tayo sa Kanya sa pamamagitan ng masigasig na paghahanda na makibahagi sa ordenansa ng sakramento. …

Ang pangako ng Tagapagligtas sa Kanyang mga tagasunod ay may dalawang bahagi: kung tayo ay mananahan sa Kanya, Siya ay mananahan sa atin. Ngunit posible nga ba talagang manahan si Cristo sa atin—sa bawat isa at sa personal na paraan? Ang sagot sa tanong na iyan ay isang malakas na oo! …

… Ang kaugnayan natin sa tipan sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang nabuhay na muli at buhay na Anak ang banal na pinagmumulan ng pananaw, pag-asa, kapangyarihan, kapayapaan, at walang hanggang kagalakan …

… At pinatototohanan ko na ang pangako ng Tagapagligtas na mananahan Siya sa atin ay totoo at matatamo ng bawat miyembro ng Kanyang ipinanumbalik na Simbahan na tumutupad sa kanilang mga tipan. …

… Kung mananahan tayo sa Kanya, Siya ay mananahan sa atin.