Si Jesucristo ay Kaginhawahan
Mga Sipi
Bawat isa sa atin ay may pasan. …
Dala natin sa loob ng metaporikal na backpack na ito ang mga pasanin ng pamumuhay sa isang mundong puno ng kasamaan. Ang mga pasanin natin ay tulad ng mga bato sa loob ng backpack. …
Masaya kong ipinahahayag na ang mga pasanin natin sa buhay na ito, ang mga batong ito sa backpack natin, ay hindi kailangang maging mabigat.
Mapagagaan ni Jesucristo ang bigat na dala-dala natin.
Kayang buhatin ni Jesucristo ang mga pasanin natin.
Nagbigay ng daan si Jesucristo para magkaroon tayo ng kaginhawahan mula sa bigat ng kasalanan.
Si Jesucristo ay ang ating kaginhawahan. …
Kaya bakit natin iginigiit na buhating mag-isa ang mga bato natin? …
Mga kapatid, hindi ko magagawang kumilos nang mag-isa, at hindi ko kailangang gawin iyon, at hindi ko gagawin iyon. …
Ang mga tumutupad sa tipan ay pinagpapala ng kaginhawahan ng Tagapagligtas. …
Ang pagsisisi, sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang nagbibigay sa atin ng ginhawa mula sa bigat ng mga bato ng kasalanan. …
Ginagawa ring posible ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na makatanggap tayo ng lakas na magpatawad, na nakababawas sa bigat na dala-dala natin dahil sa pagmamalupit ng iba.
Kaya nga, paano tayo pinagiginhawa ng Tagapagligtas mula sa mga pasaning dulot ng pamumuhay sa isang makasalanang mundo, na may mga mortal na katawang nakadarama ng pighati at pasakit?
Kadalasan, isinasagawa Niya ang ganitong uri ng pagbibigay-ginhawa sa pamamagitan natin! …
Ang pagpapala ng ating tipan ay maging katuwang ni Jesucristo sa pagbibigay ng ginhawa, kapwa temporal at espirituwal, sa lahat ng anak ng Diyos. …
Mga kapatid, si Jesucristo ay kaginhawahan. … Ang kaginhawahang inaalok Niya sa atin ay walang-hanggan.