Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mga Tipan at Responsibilidad
Mayo 2024


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Mga Tipan at Responsibilidad

Mga Sipi

Larawan
alt text

I-download ang PDF

Ang tipan ay isang tapat na pangakong tutuparin ang mga partikular na responsibilidad. Ang personal na mga pangako ay mahalaga sa pagpapatakbo ng ating indibiduwal na buhay at sa paggawa ng lipunan. …

Nang sumapit ang panahon para sa Pagpapanumbalik ng kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo, tumawag ang Diyos ng isang propeta, si Joseph Smith. … [Ang Aklat ni Mormon] ang pangunahing pinagmulan ng kabuuan ng ebanghelyo sa Pagpapanumbalik, kabilang ang plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak, at ang Aklat ni Mormon ay puno ng pagtukoy sa mga tipan. …

Ang mga tipan ay pundasyon sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo. Malinaw ito sa pinakaunang mga hakbang na ipinagawa ng Panginoon sa Propeta sa pagtatatag ng Kanyang Simbahan. …

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nagtatayo ng mga templo sa lahat ng dako ng mundo. Layunin nitong pagpalain ang mga pinagtipanang anak ng Diyos sa pagsamba sa templo at sa mga sagradong responsibilidad at kapangyarihan at natatanging mga pagpapala na mabigkis kay Cristo na natatanggap nila sa pamamagitan ng tipan.

Ang Simbahan ni Jesucristo ay kilala bilang isang simbahan na nagbibigay-diin sa pakikipagtipan sa Diyos. May kaakibat na mga tipan ang bawat isa sa mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan na pinangangasiwaan ng ipinanumbalik na Simbahang ito. Ang ordenansa ng binyag at ang kaugnay na mga tipan nito ay kinakailangan para makapasok sa kahariang selestiyal. Ang mga ordenansa at kaugnay na mga tipan sa templo ay kinakailangan para sa kadakilaan sa kahariang selestiyal, ang buhay na walang hanggan, na “pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos” [Doktrina at mga Tipan 14:7]. Diyan nakatuon ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Print