Para sa Lakas ng mga Kabataan
Manalangin, Nariyan Siya
Mayo 2024


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Manalangin, Nariyan Siya

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Anong mga kaloob ang maaari ninyong ipagdasal? Marami, pero ngayo’y nais kong magbahagi ng tatlo: …

Una, Ipagdasal na Malaman

Ano ang kailangan ninyong malaman? …

Kapag alam ninyo na ang Ama sa Langit ay totoo at na mahal Niya kayo, maaari kayong mamuhay nang may lakas-ng-loob at pag-asa! …

Kung minsa’y maaaring nais ninyong malaman kung bakit nangyayari ang isang mahirap na bagay sa inyong buhay o kung bakit hindi ninyo natanggap ang pagpapalang ipinagdasal ninyo. Ang kadalasang pinakamainam na itanong sa Ama sa Langit ay hindi bakit kundi ano …

… Gagabayan kayo ng Ama sa Langit kapag nagtanong kayo sa Kanya kung ano ang maaari ninyong gawin at ano ang maaari ninyong matutuhan.

Pangalawa, Ipagdasal na Lumago

Nais ng Ama sa Langit na tulungan kayong lumago! …

Nais ba ninyong lumago sa pagtitiyaga o sa katapatan? Nais ba ninyong lumago sa isang kasanayan? Marahil ay mahiyain kayo at nais ninyong lumago sa lakas-ng-loob. “Manalangin[, nariyan siya!” Sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, ang inyong puso ay maaaring magbago, at makatatanggap kayo ng lakas. …

Pangatlo, Ipagdasal na Maipakita

Maaari kayong humingi ng tulong sa panalangin na maipakita ang pagmamahal ng Ama sa Langit sa iba. Sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, tutulungan kayo ng Ama sa Langit na mapansin ang isang taong malungkot upang maalo ninyo siya. Maaari Niya kayong tulungang maipakita ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapatawad sa isang tao. Maaari Niya kayong bigyan ng lakas-ng-loob na maglingkod sa isang tao at ibahagi ninyo sa kanya na siya ay anak ng Diyos. …

Ibahagi sa Ama sa Langit ang nasa puso ninyo.