Sesyon sa Linggo ng Umaga
Layunin ng Diyos na Iuwi Kayo
Mga Sipi
Lahat ng bagay tungkol sa plano ng Ama para sa Kanyang pinakamamahal na mga anak ay nilayong iuwi tayong lahat. …
Ibig bang sabihin nito ay puwede na kahit ano ang gawin natin sa ating buhay? … Hindi, siyempre hindi. … Ang pinakamahalagang ipinahihiwatig sa lahat ng Kanyang mga turo na mamuhay ayon sa mas mataas na pamantayang moral ay ang isang panawagan tungo sa personal na pag-unlad, tungo sa nagpapabagong pananampalataya kay Cristo, tungo sa malaking pagbabago ng puso. …
Kung naniniwala tayo na ang layon ng plano ng Ama para sa lahat ay iligtas tayo, tubusin tayo, kaawaan tayo, at sa gayon ay lumigaya tayo, ano ang layon ng Anak na nagsasakatuparan ng dakilang planong ito? …
Ang kalooban ni Jesus ay ang kalooban ng mabait na Ama! Nais Niyang gawing posible para sa bawat nahuhuli sa mga anak ng Kanyang Ama na matanggap ang pinakadakilang layunin ng plano—ang buhay na walang hanggan sa piling Nila. Walang sinumang hindi kasama sa banal na potensyal na ito. …
Hinahanap ng Tagapagligtas, ang Mabuting Pastol, ang Kanyang nawawalang mga tupa hanggang sa matagpuan Niya ang mga ito. …
Hindi, hindi Siya naglalagay ng mga harang at balakid; inaalis Niya ang mga iyon. Hindi Niya kayo hinahadlangang pumasok; malugod Niya kayong tinatanggap …
Ito ang mabuting balita! Lubos akong nagpapasalamat para sa mga simpleng katotohanang ito. Ang mithiin ng Ama, ang Kanyang plano, Kanyang layunin, Kanyang layon, Kanyang hiling, at Kanyang inaasam ay pagalingin kayong lahat, bigyan kayong lahat ng kapayapaan, iuwi kayong lahat, at ang mga mahal ninyo sa buhay, sa Kanyang tahanan.