Sesyon sa Sabado ng Gabi
Tapat Hanggang Wakas
Mga Sipi
Mahal na mga kaibigang kabataan, gusto kong magsalita ngayon nang tuwiran sa inyo—na mga kabataan ng Simbahan …
Bagama’t isang bato lamang ang ginamit ni David para patayin si Goliat, naghanda siya ng lima. …
Paano kung kumakatawan sa lakas na kailangan natin ang bawat bato ni David para magtagumpay sa ating buhay? Ano kaya ang limang batong iyon? Naisip ko ang mga posibilidad na ito: …
Una, ang bato ng aking pagmamahal sa Diyos …
Ang pagmamahal natin sa Diyos at ang malapit na kaugnayan natin sa Kanya ay nagbibigay sa atin ng lakas na kailangan natin upang baguhin ang ating puso at mas madaling madaig ang ating mga hamon.
Pangalawa, ang bato ng aking pananampalataya sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo. … Ang ibig sabihin ng manampalataya kay Jesucristo ay lubos na magtiwala sa Kanyang karunungan, panahon, pagmamahal, at kapangyarihang magbayad-sala para sa ating mga kasalanan. …
Pangatlo, ang bato ng kaalaman tungkol sa aking tunay na pagkatao. …
Lahat ay nagbabago kapag alam ko kung sino talaga ako. …
Pang-apat, ang bato ng aking araw-araw na pagsisisi. …
Wala nang ibang mas nagpapalaya kaysa sa madama ang kapatawaran ng Diyos at malaman na tayo ay malinis at nakipagkasundo sa Kanya. …
Ang panlimang bato ay ang bato ng aking pagtanggap sa kapangyarihan ng Diyos. …
Paano tayo makahuhugot ng lakas sa kapangyarihang ito ni Jesucristo? Ang pagtupad sa ating mga tipan at pagpapalakas ng ating pananampalataya kay Jesucristo ang susi rito.
Naisip ko talaga na sana ay may isa pang bato si David; na magiging bato ng aking patotoo. …
Mahal na mga kaibigan, masigasig si Cristo na samahan tayo sa pagtahak sa landas ng ating buhay. …
… May kagalakan sa pagiging disipulo ni Jesucristo.