Sesyon sa Sabado ng Umaga
Ibihis Ninyo ang Panginoong Jesucristo
Mga Sipi
Nais ng ating Ama na magkaroon ng mas malalim na kaugnayan sa lahat ng Kanyang mga anak, ngunit tayo ang pipili. Kapag pinili nating mas mapalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pakikipagtipan, mas lumalapit Siya sa atin at lalo tayong pinagpapala.
… Si Jesucristo ang sentro ng lahat ng tipang ginagawa natin, at ang mga pagpapala ng tipan ay ginawang posible dahil sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.
Ang binyag sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig ay ang simbolikong pasukan kung saan pumapasok tayo sa pakikipagtipan sa Diyos. Ang paglubog sa tubig at muling pag-ahon ay simbolo ng kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa panibagong buhay. … Mababasa natin sa Bagong Tipan, “Sapagkat ang lahat na sa inyo na binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo” [Galacia 3:27]. …
Ang ordenansa ng sakramento ay nagtuturo din sa Tagapagligtas. Ang tinapay at tubig ay simbolo ng laman at dugo ni Cristo na itinigis para sa atin. … Kapag kinain at ininom natin ang mga sagisag ng Kanyang laman at dugo, simbolikong nagiging bahagi natin si Cristo [tingnan sa Juan 6:56]. …
Kapag nakikipagtipan tayo sa Diyos sa bahay ng Panginoon, mas pinalalalim natin ang ating kaugnayan sa Kanya. Lahat ng ginagawa natin sa templo ay nakatuon sa plano ng ating Ama para sa atin, na ang sentro nito ay ang Tagapagligtas at ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. …
… Ipinapaalala sa atin ng ating temple garment na ang Tagapagligtas at ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala ay bumabalot sa atin habambuhay. Kapag isinuot natin ang garment ng banal na priesthood, ang magandang simbolong iyan ay nagiging bahagi natin. …
… Pinatototohanan ko na sulit ang malalaking pagpapala ng pakikipagtipang iyon.