Sesyon sa Sabado ng Hapon
Pagsuporta sa Sumisibol na Henerasyon
Mga Sipi
Mapagpapala at mapapalakas ang buong ward kapag nagtuon ang mga miyembro sa sumisibol na henerasyon. …
Matututuhan ng mga kabataan ang huwaran ng paghahayag kapag nakilahok sila sa atin sa proseso ng paghahanap at pagkilos ayon sa mga pahiwatig na maglingkod sa iba. Kapag bumaling ang mga kabataan sa Panginoon para sa inspiradong patnubay na ito, lalalim ang kanilang ugnayan at tiwala sa Kanya.
Ipinapahayag natin ang ating tiwala sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta at patnubay, nang hindi naghahangad na kontrolin sila. Kapag tumigil tayo sa pagkontrol at hinayaan natin ang mga kabataan na matuto sa pamamagitan ng pagsasanggunian, pagpili ng inspiradong landas, at pagpapatupad ng kanilang plano, makakaranas sila ng tunay na kagalakan at paglago. …
Pinahahanga tayo ng ating mga kabataan sa kanilang tapang, pananampalataya, at mga kakayahan. Kapag pinili nilang maging lubos na aktibong mga disipulo ni Jesucristo, mauukit ang Kanyang ebanghelyo sa puso nila. Ang pagsunod sa Kanya ay magiging bahagi ng kanilang pagkatao, hindi lamang ng kanilang ginagawa. …
Ang mga kabataan ngayon ay ilan sa pinakamararangal na mga espiritu ng Ama sa Langit. Kabilang sila sa matatatag na tagapagtanggol ng katotohanan at kalayaan sa premortal na mundo. Sila ay isinilang sa mga panahong ito para tipunin ang Israel sa pamamagitan ng kanilang makapangyarihang patotoo tungkol sa Panginoong Jesucristo. Kilala Niya ang bawat isa sa kanila at alam Niya ang kanilang malaking potensyal. Nagpapasensya Siya habang lumalago sila. Tutubusin Niya sila at poprotektahan. Pagagalingin Niya sila at gagabayan.