Para sa Lakas ng mga Kabataan
Isang Mas Mataas na Uri ng Kagalakan
Mayo 2024


Sesyon sa Sabado ng Hapon

Isang Mas Mataas na Uri ng Kagalakan

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Ang malungkot, tila para sa maraming tao, mahirap matagpuan ang kaligayahan. …

… Ang kalungkutan ay hindi tanda ng kabiguan. Sa buhay man lang na ito, ang kagalakan at kalungkutan ay hindi mapaghihiwalay. …

Gayunman, naranasan ko rin mismo na unti-unting matanto ang isang bagay na pumupuspos sa kaluluwa ng kagalakang napakasidhi na halos hindi ko mapigilang ibulalas ito. Natuklasan ko sa sarili ko na ang payapang pagtitiwalang ito ay nagmumula sa pagsunod sa Tagapagligtas at pagsunod sa Kanyang mga turo at halimbawa.

Ang kapayapaang ibinibigay Niya sa atin ay hindi katulad ng ibinibigay ng mundo. Nakahihigit ito. Ito ay mas mataas na uri at mas banal. …

Hindi itinago ng ating Ama sa Langit ang landas patungo sa kaligayahan. Hindi ito isang lihim. Ito ay maaaring mapasalahat!

Ipinangako ito sa mga taong tumatahak sa landas ng pagkadisipulo, sumusunod sa mga turo at halimbawa ng Tagapagligtas, sumusunod sa Kanyang mga utos, at tumutupad sa mga tipang ginagawa nila sa Diyos. …

… Likas sa lahat ng bagay sa mundo ang tumanda, mabulok, masira, o lumipas. Pero ang kagalakang mula sa Diyos ay walang-hanggan, dahil ang Diyos ay walang-hanggan. …

… Hayaan ninyong magmungkahi ako ng ilang panimulang hakbang sa makabuluhang paglalakbay na ito ng pagtuklas sa tunay na kagalakan. …

Sa darating na mga araw, linggo, at buwan, inaanyayahan ko kayong:

  • Mag-ukol ng oras sa isang taimtim at buong- pusong pagsisikap na lumapit sa Diyos.

  • Masigasig na maghanap araw-araw ng mga sandali ng pag-asa, kapayapaan, at kagalakan.

  • Maghatid ng kagalakan sa iba na nasa paligid ninyo. …

Nawa’y hangarin at masumpungan nating lahat ang mas mataas na uri ng kagalakang nagmumula sa paglalaan ng ating buhay sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak.