Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mahalaga ang mga Salita
Mayo 2024


Sesyon sa Linggo ng Umaga

Mahalaga ang mga Salita

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Mahalaga ang mga salita! …

Sa kasamaang-palad, ang mga salita ay maaaring hindi pinag-isipan, padalus-dalos, at nakakasakit …

Sa kabilang banda, ang mga salita ay maaaring magdiwang ng tagumpay, magbigay ng pag-asa at manghikayat. Maaari tayong hikayatin ng mga ito na muling mag-isip, magsimulang muli, at magbago ng landas. Maaaring buksan ng mga salita ang ating isipan sa katotohanan.

Kaya nga, una sa lahat, mahalaga ang mga salita ng Panginoon …

Ang paniniwala at pakikinig sa salita ng Diyos ay higit na maglalapit sa atin sa Kanya …

Pangalawa, mahalaga ang mga salita ng mga propeta.

Pinatototohanan ng mga propeta ang kabanalan ni Jesucristo. Itinuturo nila ang Kanyang ebanghelyo at ipinapakita ang Kanyang pagmamahal sa ating lahat. …

… Mahalaga sa Panginoon at sa atin ang mga salita ng propeta.

Ang pangatlo, at napakahalaga, ay ang ating sariling mga salita. …

… Kaya mag-ingat sa sinasabi ninyo at kung paano ninyo sinasabi ang mga ito. Sa ating pamilya, lalo na sa mga mag-asawa at mga anak, maaari tayong paglapitin o paglayuin ng ating mga salita.

Magmumungkahi ako ng tatlong simpleng parirala na maaari nating gamitin para maalis ang sakit mula sa mga paghihirap at di-pagkakasundo, magpasigla, at magbigay-kapanatagan sa bawat isa.

“Salamat.”

“Sorry.”

At “mahal kita.” …

Nangangako ako na kung “mag[pa]pakabusog [tayo] sa mga salita ni Cristo” [2 Nephi 32:32] na humahantong sa kaligtasan, sa mga salita ng ating propeta na gumagabay at naghihikayat sa atin, at sa sarili nating mga salita na nagpapahayag kung sino tayo at ano ang mahalaga sa atin, ang mga kapangyarihan ng langit ay bubuhos sa atin.