Para sa Lakas ng mga Kabataan
“Mapanatag at Malaman na Ako ang Diyos”
Mayo 2024


Sesyon sa Sabado ng Hapon

“Mapanatag at Malaman na Ako ang Diyos”

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Sa tuwing matapat nating tinatanggap, nirerebyu, inaalala, at pinaninibago ang mga sagradong tipan, ang ating mga espirituwal na angkla ay mas pinatitibay at pinatatatag sa “bato” ni Jesucristo.

… Hangga’t ang saligan ng ating buhay ay nakatayo sa Tagapagligtas, tayo ay pinagpapalang “mapanatag”—na magkaroon ng espirituwal na katiyakan na ang Diyos ay ang ating Ama sa Langit, tayo ay Kanyang mga anak, at si Jesucristo ay ang ating Tagapagligtas. …

… Halimbawa, ang Sabbath ay araw ng Diyos, isang sagradong panahon na inilaan upang alalahanin at sambahin ang Ama sa ngalan ng Kanyang Anak, makibahagi sa mga ordenansa ng priesthood, at tumanggap at magpanibago ng mga sagradong tipan. …

Ang “[mga] panalanginan” kung saan tayo nagtitipon sa Sabbath ay mga meetinghouse at iba pang mga aprubadong pasilidad—mga banal na lugar ng pagpipitagan, pagsamba, at pagkatuto. …

Ang templo ay isa pang banal na lugar na partikular na inilaan para sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos at pagkatuto ng mga walang hanggang katotohanan. …

… Ang ating mga tahanan ay dapat kapwa maging pangunahing kumbinasyon ng sagradong oras at banal na lugar kung saan ang mga indibiduwal at mga pamilya ay maaaring “mapanatag” at maaari nilang malaman na ang Diyos ay ang ating Ama sa Langit, tayo ay Kanyang mga anak, at si Jesucristo ay ang ating Tagapagligtas. …

Ipinapangako ko na kapag itinatayo natin ang saligan ng ating buhay sa “bato” ni Jesucristo, mapagpapala tayo ng Espiritu Santo na makatanggap ng indibiduwal at espirituwal na kapanatagan ng kaluluwa na nagtutulot sa atin na malaman at maalala na ang Diyos ay ang ating Ama sa Langit, tayo ay Kanyang mga anak, si Jesucristo ay ang ating Tagapagligtas, at maaari tayong mapagpala na magawa at makaya ang mahihirap na bagay.