Sesyon sa Sabado ng Hapon
Maging Kaisa ni Cristo
Mga Sipi
Ang pagiging isa kay Cristo at sa ating Ama sa Langit ay matatamo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. …
Ang mga kinakailangan para sa binyag, bagama’t malalim, ay natatangi sa kasimplehan ng mga ito. Kabilang sa mga ito ang pagpapakumbaba sa harapan ng Diyos, bagbag na puso at nagsisising espiritu, pagsisisi sa lahat ng kasalanan, pagtataglay sa ating sarili ng pangalan ni Jesucristo, pagtitiis hanggang wakas, at pagpapakita sa pamamagitan ng ating mga gawa na natanggap natin ang Espiritu ni Cristo.
Mahalaga na lahat ng kwalipikasyon para sa binyag ay espirituwal. … Ang espirituwalidad na hinihingi sa mga maralita at mayayaman ay pareho lamang.
Hindi kailangan na kabilang sa anumang lahi, kasarian, o etnisidad. …
Dahil tayo ay “magkakatulad” sa harapan ng Diyos, hindi makabuluhang bigyang-diin ang ating mga pagkakaiba. …
… Upang matanggap ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, kailangan nating gamitin ang ating kalayaang moral upang piliin si Cristo at sundin ang Kanyang mga kautusan. …
Ang pinakamahahalagang pagpili ay magagawa ng halos lahat, anuman ang kanilang mga talento, kakayahan, oportunidad, o estado ng pamumuhay. …
Kapag naharap tayo sa mga paghihirap at pagsubok sa buhay, maraming nagaganap na pangyayari na hindi natin makokontrol. … Karamihan sa pinakamahahalagang pagpili ay mayroon tayong kontrol. …
Pagdating sa alituntunin, pag-uugali, espirituwal na pagsamba, at matwid na pamumuhay, tayo ang may kontrol. Ang ating pananampalataya at pagsamba sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo ay isang pagpapasiyang tayo ang gumagawa. …
Dapat nating sikaping isama ang iba sa ating kalipunan na kaisa ni Cristo. …
Pinagkakaisa tayo ng ating pagmamahal at pananampalataya kay Jesucristo at bilang mga anak ng mapagmahal na Ama sa Langit. Ang diwa ng tunay na pagiging kabilang ay ang maging kaisa ni Cristo.