Sesyon sa Linggo ng Umaga
Ang Mabisang Banal na Siklo ng Doktrina ni Cristo
Mga Sipi
Ang espirituwal na momentum ay nangyayari “sa buong buhay habang paulit-ulit nating niyayakap ang doktrina ni Cristo.” Sa paggawa nito, itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson na ito ay nagdudulot ng “pinakamakapangyarihan at magandang resulta,” [Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan Liahona, Nob. 2022, 97]. Tunay nga na ang mga elemento ng doktrina ni Cristo—tulad ng pananampalataya sa Panginoong Jesucristo, pagsisisi, pakikipagtipan sa Panginoon sa pamamagitan ng binyag, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggang wakas—ay hindi nilayong maranasan at magawa lang nang minsanan. …
Ang ating pananampalataya kay Jesucristo ay kailangang pangalagaan araw-araw. Pinangangalagaan natin ito kapag tayo ay araw-araw na nananalangin, nagbabasa ng mga banal na kasulatan, pinagninilayan ang kabutihan ng Diyos, nagsisisi, at sinusunod ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo. …
… Ang momentum ay lumalakas din kapag sinisikap nating sundin ang mga batas ng Diyos at nagsisisi. …
Ang susunod na elemento ng doktrina ni Cristo ay ang binyag, na kinabibilangan ng binyag sa tubig at, sa pamamagitan ng kumpirmasyon, ng binyag ng Espiritu Santo. Bagama’t minsanan lang ang binyag, paulit-ulit nating pinaninibago ang ating tipan sa binyag kapag tumatanggap tayo ng sakramento. …
Kapag nagkaroon ng higit na impluwensya ang Espiritu Santo sa ating buhay, unti-unti tayong magkakaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo. … At sa gayon ay matatanggap natin ang kapangyarihan ng langit na kailangan para makapagtiis hanggang wakas. …
Inaanyayahan ko kayo na paulit-ulit, patuloy, at sadyang ipamuhay ang doktrina ni Cristo at tulungan ang iba na gawin din iyon.