Para sa Lakas ng mga Kabataan
Magiging Maayos ang Lahat Dahil sa mga Tipan sa Templo
Mayo 2024


Sesyon sa Sabado ng Umaga

Magiging Maayos ang Lahat Dahil sa mga Tipan sa Templo

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Mga kapatid, mapagpakumbaba kong pinatototohanan na kapag dumadalo tayo sa templo, maipapaalala sa atin ang walang hanggang katangian ng ating espiritu, ang ating kaugnayan sa Ama at sa Kanyang banal na Anak, at ang ating pinakahahangad na makabalik sa ating tahanan sa langit. …

Sa ilalim ng inspiradong pamumuno ni Pangulong Nelson, pinabilis at patuloy na pabibilisin ng Panginoon, ang pagtatayo ng mga templo sa iba’t ibang panig ng mundo. Magbibigay ito ng oportunidad na matanggap ng lahat ng mga anak ng Diyos ang mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan, at gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan. …

Ang madalas na pakikilahok sa mga ordenansa sa templo ay makalilikha ng huwaran ng debosyon sa Panginoon. Kapag tumutupad kayo sa inyong mga tipan sa templo at isinasaisip ang mga ito, inaanyayahan ninyo ang Espiritu Santo na maging katuwang ninyo upang palakasin at dalisayin kayo. …

Sa pamamagitan ng mga tipan ng pagbubuklod sa templo, matatanggap natin ang katiyakan ng mapagmahal na mga ugnayan ng pamilya na magpapatuloy sa kabilang-buhay at magtatagal hanggang sa kawalang-hanggan. Ang pagtupad sa mga tipan sa kasal at pamilya na ginagawa sa mga templo ng Diyos ay magbibigay ng proteksyon laban sa kasamaan ng kasakiman at kapalaluan. …

Lahat tayo ay tiyak na daranas ng mga pagsubok, hamon, at kabiguan. Walang sinuman sa atin ang hindi ligtas sa “mga tinik ng laman” [tingnan sa 2 Corinto 12:7–10]. Gayunman, kapag dumadalo tayo sa templo at isinasaisip ang ating mga tipan, makapaghahanda tayo sa pagtanggap ng personal na patnubay mula sa Panginoon.

Mahal kong mga kapatid, pinatototohanan ko na wala nang mas mahalaga pa sa pagtupad sa mga tipang ginawa o gagawin ninyo sa templo.