Para sa Lakas ng mga Kabataan
Lahat ng Bagay para sa Ating Ikabubuti
Mayo 2024


Sesyon sa Sabado ng Hapon

Lahat ng Bagay para sa Ating Ikabubuti

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Subalit, sa mundong ito ng pagdurusa, “nalalaman natin na sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya” [Roma 8:28]. …

Napakagandang pangako! Nakagiginhawang katiyakan mula sa Diyos mismo!. …

… Sa pagsampalataya sa buhay, ang mga pagsubok at sakripisyong hindi natin pipiliin kailanman ay maaaring magpala sa atin at sa iba sa mga paraang hindi natin akalain.

Nag-iibayo ang ating pananampalataya at tiwala sa Panginoon na lahat ng bagay ay magkakalakip na gagawa para sa ating ikabubuti habang nagtatamo tayo ng walang-hanggang pananaw; nauunawaan natin na ang ating mga pagsubok ay maaaring “sumandaling panahon … lamang”; natutukoy natin na maaaring ilaan ang paghihirap para sa ating kapakinabangan; nauunawaan natin na ang mga aksidente, hindi inaasahang pagkamatay, nakapanghihinang karamdaman, at sakit ay bahagi ng mortalidad; at nagtitiwala tayo na ang ating mapagmahal na Ama sa Langit ay hindi nagbibigay ng mga pagsubok para magparusa o humatol. …

… Magkakalakip na gumagawa ang mga bagay para sa ikabubuti kapag naglilingkod tayo na katulad ni Jesucristo.

Ipinaliwanag ng isang ama na itinalagang maging ministering companion ng kanyang anak na kasama sa teachers quorum, “Ang ministering ay kapag tayo na nagdadala ng cookies sa mga kapitbahay ay naging pinagkakatiwalaang mga kaibigan, mga espirituwal na unang rumeresponde o tumutulong.” Ang pagiging bahagi ng tipan kay Jesucristo ay nagbibigay-aliw, nag-uugnay, naglalaan. …

Ang Aklat ni Mormon ay katibayang mahahawakan natin na si Jesus ang Cristo at tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga propesiya. …

Habang mas lumalapit sa atin ang mga templo sa maraming lugar, ang isang sakripisyo sa templo na maiaalok natin ay ang maghangad ng kabanalan sa bahay ng Panginoon nang mas madalas. …

Sa buhay na ito at sa kabilang-buhay, ang layunin ng Paglikha at ang likas na katangian ng Diyos ay para magkakalakip na gumawa ang lahat ng bagay para sa ating ikabubuti.

Ito ang walang-hanggang layunin ng Panginoon. Ito ang Kanyang walang-hanggang pananaw. Ito ang Kanyang walang-hanggang pangako. …

… Lumapit sa Diyos nating Ama at kay Jesucristo. Magtiwala na Sila ay buhay, mahal Nila kayo, at gusto Nila ang lahat ng bagay para sa inyong ikabubuti.