Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang Pagpapatotoo kay Jesus
Mayo 2024


Sesyon sa Linggo ng Hapon

Ang Pagpapatotoo kay Jesus

Mga Sipi

Larawan
data-poster

I-download ang PDF

Ano ang patotoo kay Jesus?

Ito ang saksi ng Espiritu Santo na Siya ang banal na Anak ng Diyos, ang Mesiyas at Manunubos. …

Higit pa sa patotoong ito ang katanungan, Ano ang gagawin natin tungkol dito?

Ang mga tagapagmana ng kahariang selestiyal ay “tumatanggap” ng pagpapatotoo kay Jesus nang lubusan sa pamamagitan ng pagpapabinyag, pagtanggap ng Banal na Espiritu, at pangingibabaw sa pananampalataya. …

Ano ang ibig sabihin ng maging matatag sa patotoo kay Jesus?

… Ang pagiging matatag sa patotoo kay Jesus ay tiyak na kinabibilangan ng pagpapalago at pagpapalakas ng patotoong iyon. Hindi binabalewala ng totoong mga disipulo ang tila maliliit na bagay na nagpapatibay at nagpapalakas sa kanilang patotoo kay Jesus, tulad ng panalangin, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath, pagtanggap ng sakramento, pagsisisi, pag-minister, at pagsamba sa tahanan ng Panginoon. …

Ang pagiging matatag ay nagpapakita rin ng pagiging bukas at hayagan tungkol sa kanyang saksi. …

Isa sa mga aspeto ng pagiging matatag sa patotoo kay Jesus ay ang pakikinig sa Kanyang mga sugo o mensahero. …

Ang ibig sabihin ng matatag sa patotoo kay Jesus ay panghihikayat sa iba, sa pamamagitan ng salita at halimbawa, na maging matatag din, lalo na sa mga nasa sarili nating pamilya. …

Ang huling aspeto ng pagiging matatag sa patotoo kay Jesus na babanggitin ko ay ang ating indibiduwal na pagsisikap para sa personal na kabanalan. …

Ang aking paanyaya ay na kumilos ngayon upang masiguro ninyo ang inyong lugar bilang isa sa mga matatag sa pagpapatotoo kay Jesus.

Print