2024
Pag-uugnay sa Dalawang Dakilang Utos
Mayo 2024


Sesyon sa Linggo ng Hapon

Pag-uugnay sa Dalawang Dakilang Utos

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Suriin natin ang bawat isa sa dalawang dakilang utos na inihayag at binigkas sa sagot ni Jesucristo. Habang ginagawa natin ito, magtuon sa imahe ng kahanga-hangang suspension bridge sa inyong isipan.

Ang una ay ibigin ang Diyos nang inyong buong puso, kaluluwa, at pag-iisip.

… Ang ibigin ang Panginoon ay unang itinutuon sa inyong puso—na kaibuturan ng inyong pagkatao. Hinihiling ng Panginoon na umibig kayo nang buong kaluluwa ninyo—ang inyong inilaang buong sarili—at sa huli, na umibig kayo nang buong pag-iisip ninyo—ang inyong talino at talas ng pag-iisip. …

… Magagawa kong ibigin ang Ama sa Langit at si Jesucristo, na pagkatapos ay hahantong sa panalangin, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at pagsamba sa templo. Naipapakita ang pag-ibig natin sa Ama at sa Anak sa pamamagitan ng pagbabayad ng ikapu, pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath, pagkakaroon ng marangal at malinis na buhay, at pagiging masunurin. …

Ang pag-ibig sa Panginoon ay humahantong sa walang hanggang kaligayahan!

… Hindi ganap ang pag-ibig sa Panginoon kung pinababayaan natin ang ating kapwa. Sakop ng pag-ibig na ito ang lahat ng mga anak ng Diyos nang walang pinipiling kasarian, estado sa lipunan, lahi, seksuwalidad, perang kinikita, edad, o etnisidad. …

… Upang magampanan ng alinmang suspension bridge ang layon sa pagkakagawa nito, kailangang ganap na magkatuwang ang mga tore nito. Gayundin, ang kakayahan nating sundin si Jesucristo ay nakasalalay sa ating tibay at lakas na ipamuhay ang una at pangalawang utos nang balanse at may pantay na debosyon sa dalawang ito. …

… Nawa’y sumigla ang ating puso’t isip sa pag-ibig sa Panginoon at sa pag-ibig sa ating kapwa.