Para sa Lakas ng mga Kabataan
Nag-aalab sa T’wina
Mayo 2024


Sesyon sa Sabado ng Umaga

Nag-aalab sa T’wina

Mga Sipi

Larawan
data-poster

I-download ang PDF

Mga kapatid, nagpapatotoo ako na naririnig ng Diyos ang bawat panalangin na iniaalay natin at tumutugon Siya sa bawat isa sa mga ito ayon sa landas na ibinalangkas Niya para sa ating pagiging perpekto. … Sa mga kadahilanang tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam, ang mga panalangin ay nasasagot sa paraang iba sa inaasahan natin—ngunit nangangako akong ang mga ito ay naririnig, at ang mga ito ay nasasagot ayon sa Kanyang walang-maliw na pagmamahal at banal na oras.

Kung tayo ay “hihingi nang hindi lisya,” [2 Nephi 4:35], walang limitasyon sa kung kailan, kung saan, at tungkol sa ano ang dapat nating ipanalangin. …

Dapat tayong manalangin nang indibiduwal, sa ating mga . …pamilya, at sa mga kongregasyon, malaki man o maliit. Dapat nating gamitin ang panalangin bilang pananggalang laban sa tukso, at kung may anumang panahon na nadama nating ayaw nating manalangin, makatitiyak tayo na ang pag-aalinlangang iyon ay hindi nagmumula sa Diyos, na sabik makipag-ugnayan sa Kanyang mga anak kailanman at sa lahat ng panahon. … Kapag hindi natin alam kung papaano manalangin o kung ano mismo ang ipananalangin, dapat tayong magsimula, at magpatuloy, hanggang sa gabayan tayo ng Banal na Espiritu sa panalanging dapat nating ialay. …

Sa huli, maaari nating tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas na nanalangin nang napakadalas. …

Sa konteksto ng tagumpay ni Cristo sa kamatayan at ng Kanyang kaloob sa akin kamakailan na ilan pang linggo o buwan sa mortalidad, nagbibigay ako ng taimtim na saksi sa katotohanan ng buhay na walang-hanggan at sa pangangailangan para sa atin na maging seryoso sa pagpaplano para rito.

Print