Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mga Templo, mga Bahay ng Panginoon na Itinatayo sa Buong Mundo
Mayo 2024


Sesyon sa Linggo ng Hapon

Mga Templo, mga Bahay ng Panginoon na Itinatayo sa Buong Mundo

Mga Sipi

Larawan
data-poster

I-download ang PDF

Naiisip ba ninyo kung bakit inuutos ng Panginoon sa Kanyang propeta ngayon na magtayo sa iba’t ibang panig ng mundo ng Kanyang mga banal na templo? …

… Ang isang dahilan ay sa gitna ng mga kaguluhan at tukso ng mundo, Siya ay nangako na palalakasin at pagpapalain Niya ang Kanyang mga pinagtipanang Banal, at ang Kanyang mga pangako ay natutupad! …

Sa Kanyang bahay, tayo ay literal na pagkakalooban ng kapangyarihan ng langit. Ang ating pananampalataya kay Jesucristo at ang ating pagmamahal sa Kanya ay pagtitibayin at palalakasin. Natututo tayong mahalin Siya nang higit pa. Espirituwal na pagtitibayin sa atin ang ating tunay na pagkakakilanlan at ang mga layunin ng buhay. Kapag tayo ay nananatiling matapat, pinagpapala tayo ng proteksyon laban sa mga tukso at panggagambala. Nadarama natin ang pagmamahal ng Tagapagligtas habang tinutulungan Niya tayo sa ating mga paghihirap at kalungkutan. Pinagkakalooban tayo ng kapangyarihan ng Diyos. …

Mahal kong mga kaibigan, kung kaya natin at hindi pa natin nadaragdagan ang pagpunta natin sa templo, maghanap tayo ng dagdag na oras para sumamba sa bahay ng Panginoon …

Ang templo ay literal na bahay ng Panginoon. Ipinapangako ko sa inyo na kapag karapat-dapat at mapanalangin kayong pumunta sa Kanyang banal na bahay, pagkakalooban kayo ng Kanyang kapangyarihan, mapapasainyo ang Kanyang pangalan, pangangalagaan kayo ng Kanyang mga anghel, at uunlad kayo na natatanggap ang mga pagpapala ng Espiritu Santo. …

Sa panahong ito ng pagkalito at kaguluhan, pinatototohanan ko na ang templo ay Kanyang banal na bahay at na tutulong ang mga ito na mapangalagaan, maprotektahan, at maihanda tayo para sa maluwalhating araw na, kasama ang Kanyang mga banal na anghel, ang ating Tagapagligtas ay magbabalik nang may karingalan, kapangyarihan, at dakilang kaluwalhatian.

Print