Para sa Lakas ng mga Kabataan
Tiwala sa Tipan sa Pamamagitan ni Jesucristo
Mayo 2024


Sesyon sa Sabado ng Umaga

Tiwala sa Tipan sa Pamamagitan ni Jesucristo

Mga Sipi

Larawan
data-poster

I-download ang PDF

Mahal kong mga kapatid, ang mga taong nagkaroon ng tunay na tiwala sa mga tipan na ginawa sa bahay ng Panginoon sa pamamagitan ni Jesucristo ay nagtataglay ng isa sa mga pinakamakapangyarihang puwersa na maaari nating matanggap sa buhay na ito …

Paano tayo magkakaroon ng gayong tiwala sa pamamagitan ni Jesucristo? Dumarating ito sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, pagtuon ng ating buhay sa Tagapagligtas, pagsasabuhay ng mga alituntunin ng ebanghelyo ni Jesucristo, pagtanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan, at pagiging tapat sa mga tipang ginagawa natin sa Diyos sa Kanyang banal na bahay …

… Alam ko na kapag nakita ng Panginoon ang kahit mumunting pagnanais o matwid na pagkilos ayon sa ating kahandaang ituon ang ating buhay sa Kanya at sa mga ordenansa at tipan na ginawa natin sa Kanyang bahay, pagpapalain Niya tayo, sa Kanyang perpektong paraan, ng mga himala at magiliw na awa na kailangan natin.

Tayo ay maaaring maging mas dalisay at mas banal sa bahay ng Panginoon … Tinitiyak ko sa inyo na ang pagtataglay ng diwa ng bahay ng Panginoon ay lubos na magpapabago sa atin …

Ang patuloy at mas pinabilis na pagtatayo ng mga templo ay patuloy na magpapasabik, magbibigay-inspirasyon, at magpapala sa atin. Ngunit ang mas mahalaga ay kung babaguhin natin ang ating paghahanda sa pagpasok sa templo, mababago natin ang ating karanasan sa templo, na magpapabago sa ating buhay sa labas ng templo. Ang pagbabagong ito nawa’y maghatid sa atin ng tiwala sa mga banal na tipang ginawa natin sa Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo.

Print