“Mga Pagkilala,” Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 3, Magiting, Marangal, at Malaya, 1893–1955 (2022)
“Mga Pagkilala,” Mga Banal, Tomo 3
Mga Pagkilala
Daan-daang tao ang nag-ambag sa bagong kasaysayang ito ng Simbahan, at tayo ay nagpapasalamat sa bawat isa sa kanila. Tayo ay may utang na loob sa mga Banal na nag-ingat ng mga talaan kung saan nakabatay ang aklat na ito at sa mga henerasyon ng mananalaysay na nagtrabaho sa Simbahan na maiging tinipon at iningatan ang mga ito. Espesyal na pasasalamat para kina David Golding, Jessica Marie Nelson, at Ryan Saltzgiver para sa paglikha ng mga karagdagang materyal sa internet. Ang pag-digitize ng mga sources ay pinamunuan ni Audrey Spainhower Dunshee at natapos ng mga miyembro ng Church History Department.
Lubos kaming nagpapasalamat sa maraming mananalaysay ng pamilya na nagtala at nag-digitize at ibinahagi sa amin ang kanilang mga talaan. Espesyal na pasasalamat kina George Durham, Shirley Eichers, Lark Evans Galli, Priscilla Hancock, Gayle Hatch, Donna Ikegami, Lyle Jensen, Kent Johnson, Janet Taylor Jones, Alan Lee, Brian Lee, Kathleen Lloyd, Linda Bang Ludlow, Jennifer Middleton Mason, Cory H. Maxwell, Helga Meyer, Matthias Miller, Ewan Harbrecht Mitton, Becka Pace, Carol Rees, Jacqueline Rich, Jan Roothoff, Karla Smith, Linda Stapley, Grace A. H. Vlam, Edgar Wolferts, at Shauna Zukle. Maraming salamat sa Family History Department at FamilySearch sa kanilang katapatang gumawa ng mga tala at serbisyo ng talaangkanang magagamit ng lahat. Hindi pagmamalabis sabihin na kung wala ang mga talaang ito at mga kasangkapan sa pagtuklas ng FamilySearch, hindi magagawang isulat ang aklat na ito.
Maraming miyembro ng staff, mga missionary, at boluntaryo sa Church History Department ang tuwiran o di-tuwirang nag-ambag sa aklat na ito. Higit sa lahat, pinasasalamatan namin ang mga sumusunod sa kanilang tulong: Allen Andersen, Jill Andersen, Jeff Anderson, Jay Burton, Clint Christensen, Tom Clark, Christine Cox, Jeff Crossley, Emily Crumpton, Richard Davis, Keith Erekson, Jared Feller, Seth Gardner, Matthew Godfrey, Cas Hadfield, Joan Harding, Matt Heiss, Melissa Wei-Tsing Inouye, Natalie Johnson, Jenny Lund, Brandon Metcalf, James Miller, Tarienne Mitchell, Joan Nay, Jacob Olmstead, Michelle Sayers Pollock, Elise Reynolds, Julie A. Russell, Sheridan Sylvester, Jeremy Talmage, Emily Utt, at Brian Warburton. Pinasasalamatan din namin si James Goldberg sa kanyang tulong sa paghubog ng istrukturang pampanitikan ng aklat; kina Jenny Rollins at Laura E. Hilton para sa pagtulong sa pagsusulat ng mga burador at pagrepaso ng mga tagpo; kina Nicole Christensen Fernley, Kaytee Johnson, McKinsey Kemeny, Riley M. Lorimer, Taylor Kalia Orr, at Naomi White para sa mga kontribusyong editoryal; at kay Sylvia Coates para sa pag-indeks ng tomo. Ang mga miyembro ng Church Historian’s Press Editorial Board ay nagbigay ng patuloy na pagsuporta.
Maraming ekspertong mambabasa mula sa labas ng departamento ang nagbigay ng kanilang mga puna sa ilang bahagi ng aklat. Kabilang dito sina Ian Barber, Jorge T. Becerra, Richard Bennett, R. Lanier Britsch, Brian Q. Cannon, Néstor Curbelo, Nancy Dance, Jill Mulvay Derr, Christian Euvrard, Kathleen Flake, Casey Paul Griffiths, Mark Grover, Steven C. Harper, Richard Ian Kimball, Carol Cornwall Madsen, Khumbulani Mdletshe, Dmitry Mikulin, Matthias Miller, Thierry K. Mutombo, Marjorie Newton, Bonnie L. Oscarson, Fernando Pinheiro, Elisa Pulido, W. Paul Reeve, Carlos F. Rivas, Jorge L. Saldívar, Cristina Sanches, Ciro Schmeil, Cherry Silver, Ben Spackman, Jonathan Stapley, George Tate, Douglas Tobler, F. LaMond Tullis, Richard E. Turley Jr., Grace A. H. Vlam, at Gary Walton. Sina Sarah Clement Reed, Michael Knudson, Savannah Woolsey Larson, Heather Olsen, Annie Smith Devenport, Lucia Cathers, Quinn Preece, at Christian Patrick Wawro ay nagbigay ng mahalagang tulong sa pagsasalin ng mga liham nina Anna at John Widtsoe.
Nilikha ni Greg Newbold ang nakakaakit na likhang sining. Sina John Heath at Debra Abercrombie ay nag-ambag sa pagsisikap sa pagtulong, at tumulong si Benjamin Wood sa pamamahala ng produkto. Nagbigay ng pang-administratibong tulong sina Deborah Gates, Kiersten Olson, Jo Lyn Curtis, Cindy Pond, at Susan Henson. Nag-ambag ng tulong si Mark Hales sa pamamahala ng proyekto. Sa kanyang papel bilang tagapamahala sa produkto para sa unang tatlong tomo, maraming beses ginampanan ni Ben Ellis Godfrey ang kanyang tungkulin nang higit sa inaasahan, kabilang na ang paglikha at pagiging punong-abala sa podcast na Mga Banal.
Ang mga miyembro ng ilang departamento ng Simbahan ay nag-ambag din, kabilang na ang isang grupo mula sa magkakaibang departamento na binubuo nina Irene Caso, Drew Conrad, Irinna Danielson, David Dickson, Norm Gardner, Paul Murphy, Alan Paulsen, at Jen Ward. Pinangasiwaan ni Katie Parker ng Publishing Services Department ang huling proseso ng paglalathala, at sina Patric Gerber, Benson Y. Parkinson, Lindsey Maughan, Alyssa Aramaki, Preston Shewell, Josh McFadden, Cara Nickels, Wendy Jennings, Sarah Schulzke Trump, at Kat Tilby ay nagbigay ng tulong sa produksyon. Kabilang sa iba pang mga tumulong ay sina Christopher Clark, Jon Thorup, Jake Davis, DJ Christensen, Michael Smith, Jim McKenna, Alan Blake, Jared Moon, Casey Olson, Brian D. Garner, Benjamin Peterson, Paul VanDerHoeven, at Gary Walton. Maingat na inihanda ng mga tagapagsalin ang buong teksto sa labintatlong wika.
Sa huli, nagpapasalamat kami sa mga mambabasa mula sa lahat ng dako ng mundo na nagrepaso ng salaysay at nagbigay ng kanilang feedback. Ang kanilang mga kontribusyon ay nagpabuti sa aklat at nakatulong na matiyak na ito ay mangungusap sa mga isip at puso ng mga Banal sa lahat ng dako.