Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith Isang Taong Bukas-palad Hango sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (kurso ng pag-aaral sa Melchizedek Priesthood at Relief Society, 2007), 497–98. Matapos lumipat sa Nauvoo, Illinois, sinimulang itayo nina Joseph at Emma Smith ang Red Brick Store. Nagsilbing opisina at negosyo ito ni Joseph para suportahan ang kanyang pamilya. Kukuha ako ng 20 librang harina, Emma. May iba ka pa bang kailangan? Kamakailan ay lumipat si James sa Nauvoo mula sa England kasama ang kanyang kapatid na babae at asawa nitong si Henry. Hindi miyembro ng Simbahan si James. Maghapon na tayong naghanap ng trabaho, Henry. Palagay ko wala tayong makikita. Magpatulong tayo sa Propeta. Hindi pa kilala ni James si Joseph Smith o nakalapit man lang siya rito. Matindi niyang nadama ang espiritu sa pagtingin pa lamang sa kanya. Siya ay tunay na propeta ng Kataas-taasang Diyos. Mga kapatid, ano ang maitutulong ko sa inyo ngayon? Mr. Smith, may maibibigay ka bang trabaho? Marunong ba kayong gumawa ng kanal? Gagawin namin ang lahat. Dinala ni Joseph ang mga lalaki sa di-kalayuan sa tindahan at iniunat ang metrong panukat. Makakagawa ba kayo ng kanal na tatlong talampakan ang luwang at dalawa’t kalahating talampakan ang lalim sa linyang ito? Nang matapos nila ang kanal, tinawag nila si Joseph para siyasatin ito. Hindi ko ito kayang gawin. Halikayo. Ibinigay ni Joseph sa mga lalaki ang dalawa sa pinakamalalaki at pinakamasasarap na pirasong karne at dalawang sako ng harina. Napakarami nito, Joseph. Pagtatrabahuhan pa namin ito. Kung nasiyahan kayo, mga ginoo, ako man. Dahil sa naranasang kabutihan ng Propeta at sa iba pang mga karanasan na nadama niya ang kapangyarihan ng Diyos kay Joseph, natutuhan ni James ang ebanghelyo at nabinyagan at nakumpirma kalaunan sa taon ding iyon. Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Matozzi