2009
Nangako Ako sa Ama sa Langit
Oktubre 2009


Nangako Ako sa Ama sa Langit

Hiroko Fukuda, Tochigi, Japan

Noong tatlong taon si Yukari, ang gatas na isinisilbi sa preschool niya ay may kape. Dahil naituro na ng ina ni Yukari sa kanya ang Word of Wisdom, ayaw uminom ng gatas na may kape ni Yukari. Pupunuin niya ang kanyang tasa ng tubig at iyon ang iinumin.

Isang araw sabi ni Yukari sa kanyang ina, “Gusto kong uminom ng gatas na may kape tulad ng iba.” Umupo sa tabi niya ang kanyang ina at tinulungan siyang maunawaan na mahal siya ng Ama sa Langit, na ayaw Niyang uminom siya ng kape, at na ito ay isang utos. Mula noong araw na iyon, natiyak ni Yukari na ayaw niyang uminom ng kape kailanman. Mahigit isang taon ang lumipas.

Isang araw nang hindi makarating ang guro ni Yukari, ibang guro ang dumating sa klase. Gaya ng dati, tubig ang ininom ni Yukari. Nakita ito ng guro at itinanong nito, “Bakit tubig ang iniinom mo?” Ipinaliwanag ni Yukari na nagsimba siya at nangako siya sa Ama sa Langit na hindi siya iinom ng kape. Humanga ang guro. Mula noon, tumigil na sa pagsisilbi ng gatas na may kape ang preschool at ibang maiinom na lang ang isinilbi nila.