2009
Komentaryo
Oktubre 2009


Komentaryo

Mga Kasagutan sa mga Tanong Ko

Labis akong nagpapasalamat sa kahanga-hangang magasing ito at sa mga patotoo, bagong impormasyon, mga paliwanag tungkol sa mga banal na kasulatan, at nilalaman nitong materyal para sa pagtuturo ng mga aralin. Napakaraming beses kapag tinatanong ko ang tungkol sa Ama sa Langit, inaakay ako ng Espiritu Santo sa Liahona, kung saan ko natatagpuan ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Tinatanggap ko ang bawat isyu nang may kagalakan.

Evgenija Samarskaja, Russia

Masayang Makita ang Liahona

Gustung-gusto ko ang Liahona, at limang suskrisyon ang sabay-sabay na kinukuha naming mag-asawa. Ipinamimigay namin ang mga ekstrang magasin sa mga kapitbahay namin. Isang kapitbahay ang nagsabi sa akin na sa pag-uwi raw niya na pagod at lupaypay mula sa trabaho, sumasaya siya kapag nakikita niya ang magasin sa mailbox niya. Alam ko na lahat ng nasa magasin ay inspirado—mula sa mga mensahe ng mga General Authority hanggang sa mga kuwento mula sa mga miyembro—at ang pagbabasa nito ay naghahatid ng kaalaman at pagpapala sa akin at tinutulungan akong mahalin at unawain ang aking kapwa-tao.

Bertha Viola RĂ©tiz Espino, Mexico