2015
Binabago ng mga Handog-ayuno ang mga Puso
Agosto 2015


Pangako ng Propeta

Binabago ng mga Handog-ayuno ang mga Puso

“Sa Simbahan ngayon binibigyan tayo ng pagkakataong mag-ayuno minsan sa isang buwan at magbigay ng saganang handog-ayuno sa pamamagitan ng ating bishop o branch president para sa kapakanan ng mga maralita at nangangailangan. …

“… Bahagi ng ating handog-ayuno sa buwang ito ay gagamitin upang tulungan ang sinuman, saanman, at ang ginhawang dulot nito sa kanila ay madarama ng Panginoon na para bang sa Kanya ito ginawa.

“Marami pang magagawa ang inyong handog-ayuno maliban sa pagbibigay ng pagkain at kasuotan. Pagagalingin at babaguhin nito ang mga puso. Maaaring ang bunga ng kusang pagbibigay ng handog-ayuno ay maging dahilan upang ang taong natulungan nito ay hangarin ding tulungan ang ibang nangangailangan. Nangyayari iyan sa iba’t ibang dako ng mundo.”