2015
Naniniwala Kami sa Pagiging Mapagpakumbaba
Agosto 2015


Ang Ating Paniniwala

Naniniwala Kami sa Pagiging Mapagpakumbaba

“Ang palalo ay mas takot sa paghatol ng tao kaysa paghatol ng Diyos. Ang ‘Ano ang iisipin ng mga tao tungkol sa akin?’ ay mas pinahahalagahan nila kaysa sa ‘Ano ang iisipin ng Diyos tungkol sa akin?’” —Pangulong Ezra Taft Benson

Kapag tayo ay naging miyembro ng Simbahan ni Jesucristo, nakikipagtipan tayo na lagi Siyang alalahanin, taglayin sa ating sarili ang Kanyang pangalan, at sundin ang Kanyang mga kautusan (tingnan sa D at T 20:77). Anumang kasalanan ay pumipigil sa atin na tuparin ang tipang ito, ngunit may isang kasalanan, higit sa lahat ng iba pa, na kailangan nating iwasan dahil humahantong ito sa napakarami pang iba: ang kapalaluan.

“Iniisip ng karamihan sa atin na ang kapalaluan ay pagkamakasarili, pagmamagaling, pagyayabang, pagmamataas, o pagmamalaki,” pagtuturo ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994). “Lahat ng ito ay mga sangkap ng kasalanan, ngunit ang sentro, o buod, ay wala pa rito.” Sinabi niya na “ang pinakatanda ng kapalaluan ay pagkapoot [pagkamuhi o galit]—sa Diyos at sa ating kapwa.”1

Ang pagkapoot sa Diyos “ay dahil sa ugaling ‘ang aking kalooban ang masusunod at hindi ang inyo.’ … Hindi matatanggap ng palalo ang awtoridad ng Diyos na papatnubay sa kanilang buhay. … Nais ng mga palalo na sumang-ayon sa kanila ang Diyos. Ayaw nilang baguhin ang kanilang mga opinyon para umayon ito sa Diyos.”2

Nakikita ang pagkapoot sa ating kapwa sa maraming paraan: “paghahanap ng mali, pagtitsismis, paninirang-puri, pagbubulung-bulong, pamumuhay nang higit pa sa ating kinikita, inggit, pag-iimbot, hindi pasasalamat at pagbibigay ng papuri na maaaring magpasigla sa iba, at hindi pagpapatawad at pagseselos.”3

Ang kapalaluan ay humahadlang sa ating pag-unlad, sumisira sa ating mga pakikipag-ugnayan, at naglilimita sa ating paglilingkod. Iminungkahi ni Pangulong Benson ang solusyong ito: “Ang lunas sa kapalaluan ay pagpapakumbaba—kaamuan, pagkamasunurin. Ito ang bagbag na puso at nagsisising espiritu.”4 Itinuro niya na “ang pagpapakumbaba ay tumutugon sa kalooban ng Diyos—sa takot sa Kanyang mga paghatol at sa mga pangangailangan ng mga tao sa ating paligid. … Piliin nating magpakumbaba.”5

Ang sumusunod na mga paglalarawan ay nagpapakita ng mga paraan na maaari nating piliing magpakumbaba.

Product Shot from August 2015 Liahona

Mga Tala

  1. Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Ezra Taft Benson (2014), 271–72.

  2. Mga Turo: Ezra Taft Benson, 272.

  3. Mga Turo: Ezra Taft Benson, 275.

  4. Mga Turo: Ezra Taft Benson, 278.

  5. Mga Turo: Ezra Taft Benson, 269, 279.

Makakapagpakita tayo ng pagpapakumbaba sa:

Pagtanggap ng payo at pagwawasto.

Di-makasariling paglilingkod.

Paglilingkod sa misyon.

Paggawa ng gawain sa family history at pagdalo sa templo nang mas madalas.

Pagdarasal nang may tunay na layunin.

Mula sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Ezra Taft Benson (2014), 279.

Mga paglalarawan ni David Habben