2016
Pagsunod sa mga Kautusan at Pagmamahal sa Iba
September 2016


Mga Kabataan

Pagsunod sa mga Kautusan at Pagmamahal sa Iba

cleaning the kitchen

Kapag iniisip natin ang pagmamahal, ang mga unang bagay na madalas pumasok sa isipan ay mga romantikong pelikula, tsokolate, at bulaklak. Ngunit ang pagmamahal—tunay na pagmamahal—ay mas malalim at mas di-makasarili kaysa riyan. Si Jesucristo ay nabuhay para sa atin at namatay para sa atin dahil sa pagmamahal Niya sa atin. Katunayan, ang dalawang dakilang utos ay ibigin ang Diyos at mahalin ang lahat ng iba pa (tingnan sa Mateo 22:36–40). Ngunit paano natin maipapakita sa iba na mahal natin sila?

Ibinahagi ni Pangulong Uchtdorf ang talinghaga ni Cristo tungkol sa dalawang anak na lalaki, na ang isa ay nagtrabaho para sa kanyang ama at isa ay hindi. Binigyang-diin ng Tagapagligtas na tanging ang anak na sumunod sa kanyang ama ang tunay na nagmahal sa kanya. Gayundin, kapag sinusunod natin ang mga utos ng Diyos, ipinapakita natin na mahal natin Siya at nais nating makabalik sa Kanya.

Ngunit paano natin ipinapakita na mahal natin ang ating kapwa? Ipinaliwanag din iyan ni Pangulong Uchtdorf: “Kung talagang mahal natin ang ating kapwa, gagawin natin ang lahat para matulungan ‘ang mga maralita at ang mga nangangailangan, ang maysakit at ang naghihirap.’ Dahil sila na gumagawa ng mga di-makasariling pagpapakita ng habag at paglilingkod, sila rin ay mga disipulo ni Jesucristo.”

Kaya sa susunod na makita mo ang iyong magulang, kapatid, o kaibigan, isiping paglingkuran sila para ipakita na mahal mo sila. Hindi lamang ito magpapasaya sa kanila at sa iyo, kundi magpapasaya rin ito sa inyong Ama sa Langit.