Notebook ng Kumperensya ng Abril 2016
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38 ).
Habang nirerebyu ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Abril 2016, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa darating na mga isyu) upang tulungan kayong pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bumisita sa conference.lds.org.
“Piliing manampalataya kaysa magduda.”
Bonnie L. Oscarson, Young Women general president, “Naniniwala ba Ako?” Liahona, Mayo 2016, 89.
Bawat kumperensya, ang mga propeta at apostol ay nagbibigay ng inspiradong mga sagot sa mga tanong ng mga miyembro ng Simbahan. Maaari ninyong gamitin ang inyong isyu ng Mayo 2016 o bisitahin ang conference.lds.org para makita ang mga sagot sa mga tanong na ito:
Ano ang apat na uri ng family council at bakit mahalaga ang mga ito? —Tingnan sa M. Russell Ballard, “Mga Family Council,” 63.
Paano tayo makapaghahanda para sa templo? —Tingnan sa Quentin L. Cook, “Tingnan ang Inyong Sarili sa Templo,” 97.
Ano ang mga susi ng priesthood? —Tingnan sa Gary E. Stevenson, “Nasaan ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood?” 29.
Ano ang mas umaagaw ng ating pansin kaysa sa isang kuwento? Ang sumusunod na mga kuwento ay kasama sa maraming ibinahagi sa kumperensya:
Anong doktrina ang nakapanatag sa isang mag-asawa sa South America na nasabik na maibuklod sa kanila ang kanilang anak na lalaki? —Tingnan sa W. Christopher Waddell, “Isang Huwaran para sa Kapayapaan,” 90.
Ano ang natanto ng isang ina nang sumakay sila ng helikopter ng kanyang musmos na anak na malubha ang kalagayan papunta sa Primary Children’s Hospital? —Tingnan sa Bonnie L. Oscarson, “Naniniwala ba Ako?” 87.
Paano napabalik ng isang priests quorum leader ang isa sa kanyang mga priest sa simbahan? —Tingnan sa Mervyn B. Arnold, “Magligtas: Kaya Nating Gawin Ito,” 53.