Mga Kabataan
Nang Pumanaw ang Aking Kaibigan
Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
Noong junior high school ako, nagkaroon ng aneurism sa utak ang kaibigan ko at pumanaw kinabukasan. Kahit miyembro ako ng Simbahan, nahirapan pa rin ako. Buong buhay akong naturuan na maaari akong bumaling sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas para sa anuman, ngunit wala pa akong napagdaanang ganito noon.
Ilang oras akong umiyak, sa pagsisikap na makakita ng isang bagay—ng anumang bagay—na makakapanatag sa akin. Noong gabi matapos siyang pumanaw, bumaling ako sa himnaryo. Nang buklatin ko ang mga pahina, napunta ako sa “Manatili sa ’King Tabi” (Mga Himno, blg. 96). Namukod-tangi sa akin ang ikatlong talata:
Manatili sa ’king tabi,
Gabi ay may lumbay;
Kung ’di Kayo makaniig,
Mapanglaw ang buhay.
Nangangambang sa tahanan
Karimla’y lalagi.
Panginoon, … manatili;
Masdan, gumagabi.
Pinuspos ako ng talatang ito ng labis na kapayapaan. Nalaman ko noon na hindi lamang mananatili sa aking tabi ang Tagapagligtas nang gabing iyon kundi alam Niya rin talaga ang nadarama ko. Alam ko na ang pagmamahal na nadama ko sa pamamagitan ng himno ay hindi lamang nagpalakas sa akin nang gabing iyon kundi natulungan din akong malagpasan ang maraming iba pang pagsubok na tiniis ko.