Paano ko ibabalanse ang hindi paghusga sa iba at hindi pagpapalampas sa kasalanan?
Inutusan tayong patawarin ang iba at hayaang ang Diyos ang humatol sa huli (tingnan sa D at T 64:9–11), ngunit hindi ibig sabihin ay pinalalampas natin ang kasalanan. Kung may kasama tayong iba na gumagawa ng kasalanan, dapat tayong magsilbing liwanag sa kanila at manindigan sa tama. Ibig lang sabihin nito ay magpakita ng mabuting halimbawa sa pamamagitan ng hindi pakikisangkot sa kasalanan at hindi pagsama sa kaduda-dudang mga sitwasyon o tao. Ngunit dapat ba nating tukuyin ang masamang ugali ng mga tao para malaman nila ang mga batas ng Diyos at ang pakiramdam natin tungkol dito? At kung magkagayon, kailan at paano natin ito dapat gawin?
Ang sagot ay depende siguro sa sitwasyon, sa uri ng kaugnayan natin sa mga taong sangkot, at sa kaalaman nila tungkol sa mga batas ng Diyos. Halimbawa, ang sarilinang pagkausap sa mga kapamilya at malalapit na kaibigan ay mas mabuti kaysa pagsasabi sa isang grupo ng mga kakilala lang na magsisi. Humiling ng inspirasyon ng Espiritu Santo. Magagabayan Niya ang inyong mga salita at kilos para maipakita ninyo ang tamang balanse ng pagmamahal, pagpaparaya, at matatag na katapatan sa mga pamantayan ng Panginoon.