Kung kusa na akong tumigil sa panonood ng pornograpiya, kailangan ko pa rin bang kausapin ang bishop ko?
Kung nanonood ka ng pornograpiya, hinihikayat kang “humingi ng tulong na kailangan [mo]. Ang [iyong] mga magulang at bishop ay makakatulong sa [iyo] na gawin ang mga kailangang hakbang upang makapagsisi at mailayo ang [iyong] sarili sa nakasisirang bisyong ito” (Para sa Lakas ng mga Kabataan [2011], 12).
Kung kusa ka nang tumigil sa panonood ng pornograpiya, ang tanong ay hindi talaga kung “kailangan” mo pang kausapin ang bishop mo tungkol dito o hindi na. Ang tanong talaga ay “Bakit hindi ko kausapin ang bishop ko?” Wala naman talagang mawawala. Magiging maunawain siya at palalakasin niya ang loob mo, at masisiyahan siya sa mga pagsisikap na nagawa mo para talikuran ang nagawa mong mga kasalanan. Matutulungan ka ng bishop na maalis ang matagal nang mga pagdududa mo sa iyong pagkamarapat at sa kalubusan ng iyong pagsisisi. At matutulungan ka niyang patatagin ang iyong pananampalataya at tiwala kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Sa gayon ding mga kadahilanan, dapat mo ring isiping kausapin ang iyong mga magulang.