2018
Pagsasaliksik sa mga Ninuno at Paghahanap ng Katotohanan
March 2018


Pagsasaliksik sa mga Ninuno at Paghahanap ng Katotohanan

Yuri Siqueira Zanini

Rio de Janeiro, Brazil

family history coming alive

Paglalarawan ni Truina Dalziel/Lilla Rogers Studio

Interesado ako noong matuto tungkol sa aking mga ninuno na Italyano, kaya ilang taon na ang nakalipas ay sinimulan ko ang pagsasaliksik sa aking genealogy. Walang araw na lumipas na hindi ko ginawa ang ilang pagsasaliksik upang mahanap sila. Kalaunan, nakita ko ang tala ng kapanganakan ng aking pangatlong lolo-sa-tuhod mula sa Italy. Ang pagkahanap sa kanyang tala ay umantig sa akin sa paraan na naramdaman ko na dapat kong ipagpatuloy ang pagsasaliksik sa aking mga ninuno.

Nang ginawa ko ito, natagpuan ko ang maraming mga ninuno na hindi ko pa narinig kailanman. Nakilala ko rin sa pamamagitan ng social media ang isang dalagang nagngangalang Ingrid Zanini. Naghinala kami na baka magkamag-anak kami kahit paano dahil pareho ang aming apelyido. Sa aming pag-uusap, sinabi ni Ingrid sa akin na siya ay miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nakipag-usap siya sa akin tungkol sa Simbahan, at sinabi na magpapadala niya sa akin ang isang kopya ng Aklat ni Mormon. Nang dumating ang aklat, sinimulan kong basahin agad ito.

Isang araw sa trabaho, napansin ng isang dalagang nagngangalang Erika na mayroon akong Aklat ni Mormon. Hindi ko kailanman malilimutan ang nakita ko sa kanyang mukha—siya ay masayang-masaya at tuwang-tuwa. Itinanong niya kung nasisiyahan ako sa aklat at kung gusto kong sumama sa kanyang magsimba kasama ang kanyang kapatid na lalaki. Dalawang linggo pagkatapos matanggap ang Aklat ni Mormon, dumalo ako sa simbahan sa unang pagkakataon.

Ang lesson sa araw na iyon sa Sunday School ay tungkol sa pagbibinyag para sa mga patay at ang kahalagahan ng family history. Masyado akong naging interesado. Nakilala ko ang mga missionary at dumalo ako sa isang miting tungkol sa family history nang hapon na iyon sa stake center. Habang sinisiyasat ko ang Simbahan, nararamdaman ko ang presensya ng aking mga ninuno, at nahikayat na matuto nang higit pa.

Nang inanyayahan ako ng mga missionary na magpabinyag, sandali akong nag-isip tungkol sa lahat ng mga nangyari mula nang simulan kong gawin ang aking family history. Ang pagkamulat sa ebanghelyo at pag-aaral tungkol sa walang hanggang kahalagahan ng family history ay hindi maaaring nagkataon lamang. Tinanggap ko ang imbitasyon ng mga missionary na magpabinyag.

Ginagawa ko pa rin ang family history, at nagpapasalamat akong malaman na ang aking mga pagsisikap sa paghahanap sa aking mga ninuno ay maaari na ngayong magdala ng mga walang hanggang pagpapala sa kanila dahil natagpuan ko ang ebanghelyo ni Jesucristo.