Notebook ng Kumperensya ng Oktubre 2017
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38 ).
Habang nirerebyu ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2017, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa nakaraan at darating na mga isyu) upang tulungan kayong pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
“Pagtitibayin ng Espiritu sa bawat isa sa atin ang ating banal na kahalagahan. …
“Ipaliliwanag ko sa inyo ang pangangailangang masabi ang pagkakaiba ng dalawang mahalagang salita: halaga at pagkamarapat . Hindi sila magkapareho. Ang ibig sabihin ng espirituwal na halaga ay pahalagahan ang ating sarili ayon sa pagpapahalaga sa atin ng Ama sa Langit, hindi ayon sa pagpapahalaga sa atin ng mundo. Tukoy na ang ating halaga bago pa tayo pumarito sa mundong ito. …
“Sa kabilang dako, ang pagkamarapat ay nakakamtan sa pamamagitan ng pagsunod. Kung nagkasala tayo, hindi tayo gaanong karapat-dapat, ngunit hindi kailanman nababawasan ang ating halaga! Patuloy tayong nagsisisi at nagsisikap na maging katulad ni Jesus nang hindi tayo nawawalan ng halaga. … Anuman ang mangyari, palagi tayong may halaga sa paningin ng ating Ama sa Langit. …
“… Kung ang pagmamahal na nadarama natin para sa Tagapagligtas at sa ginawa Niya para sa atin ay higit pa sa lakas na ibinibigay natin sa mga kahinaan, pagdududa sa sarili, o masasamang gawi, tutulungan Niya tayong madaig ang mga bagay na nagsasanhi ng pagdurusa sa ating buhay. Inililigtas Niya tayo mula sa ating sarili.”
“Kapag sumusunod kayo sa mga kautusan [ng Diyos], magagamit Niya kayo sa Kanyang gawain. Ang Kanyang gawain at kaluwalhatian ay ang kadakilaan at buhay na walang hanggan ng kababaihan at kalalakihan.
“Nananawagan sa atin ang mga propeta, mga kapatid. Magiging matwid ba kayo? Malinaw ba ninyong maipaliliwanag ang inyong pananampalataya? Makakaya ba ninyong maging natatangi at naiiba? Ang inyo bang kaligayahan sa kabila ng inyong mga pagsubok ay mag-aanyaya sa ibang mabubuti at mararangal at nangangailangan ng inyong pakikipagkaibigan? Pagliliwanagin ba ninyo ang inyong ilaw? Pinatototohanan ko na ang Panginoong Jesucristo ay mangunguna sa atin at makakasama natin.”
Gamitin ang isyu ng Nobyembre 2017 o bisitahin ang conference.lds.org para mabasa ang iba pang sinabi ng mga tagapagsalitang ito.
“Tutulungan tayo ng Ama sa Langit na mahalin kahit ang mga taong iniisip nating hindi kanais-nais, kung _________ tayo ng tulong sa Kanya.” —Neill F. Marriott, “Pagsunod sa Diyos at Pag-alis ng Agwat .”
“Marami sa atin ay nasa kahanga-hangang paglalakbay ng _________. … Itanong ninyo sa inyong sarili: Ano ang iyong huling destinasyon? … Ang iyong paglalakbay ba ay patungo sa ‘pagkarami-raming pagpapala’ na ipinangako ng Tagapagligtas?” —M. Russell Ballard, “Patuloy ang Paglalakbay! ”
“Ang Aklat ni Mormon ay isa sa mga kaloob ng Diyos sa atin na walang katumbas ang kahalagahan. Ito ay kapwa espada at kalasag—ipinadadala nito ang salita ng Diyos sa digmaan para ipaglaban ang mga puso ng mga matwid at nagsisilbing pangunahing _________ ng katotohanan.” —Tad R. Callister, “Makapangyarihang Saksi ng Diyos: Ang Aklat ni Mormon .”
Mga sagot: 1. hihingi; 2. pagtuklas; 3. tagapagtanggol
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bumisita sa conference.lds.org .