Tampok na Doktrina
Sagradong Panahon at Lugar
“Ang araw ng Sabbath at ang templo, ayon sa pagkabanggit, ay sagradong panahon at sagradong lugar na sadyang itinalaga para sa pagsamba sa Diyos at sa pagtanggap at pag-alaala sa Kanyang napakadakila at mahahalagang pangako sa Kanyang mga anak. Dahil itinatag ng Diyos, ang mga pangunahing layunin ng dalawang banal na mapagkukunan ng tulong na ito ay magkatulad: ang ituon nang lubos at paulit-ulit ang ating pansin sa ating Ama sa Langit, sa Kanyang Bugtong na Anak, sa Espiritu Santo, at sa mga pangakong nauugnay sa mga ordenansa at mga tipan ng ipinanumbalik na ebanghelyo ng Tagapagligtas.
“Higit sa lahat, ang tahanan dapat ang tunay na kombinasyon ng panahon at lugar kung saan pinaka-naaalala ng mga indibiduwal at pamilya ang napakadakila at mahahalagang pangako ng Diyos.”