2018
Mga Katotohanan Tungkol kay Jesucristo, Mga Katotohanan Tungkol sa Inyo
March 2018


Mga Katotohanan Tungkol kay Jesucristo, Mga Katotohanan Tungkol sa Inyo

Ang pag-unawa sa ilang mga katotohanan tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang buhay ay makahihikayat sa ating maniwala na posible talagang tularan Siya.

Facts about Jesus Christ, Facts about You

Sa lahat ng bagay, si Jesucristo ay nakahihigit sa sinuman sa atin (Tingnan sa Isaias 55:8–9; Abraham 3:19). Hindi nagkataon lamang na Siya ang “Minamahal at Pinili mula pa sa simula” ng Ama (Moises 4:2) at na natamo Niya ang Kanyang kaluwalhatian.

Ngunit hindi natin dapat isipin na dahil sa layo ng agwat ng kadakilaan ng Tagapagligtas sa atin na napaka-imposibleng gawin ang paanyaya Niyang tularan Siya. Tumutulong ang makabagong paghahayag na makita natin na kayang abutin ang mithiing tularan ang mga halimbawa ng Tagapagligtas.

Narito ang ilang katotohanan tungkol kay Jesucristo at ang ilang katotohanan tungkol sa inyo. Makatutulong ang mga ito na makita ninyo na totoong masusundan ang parehong pangunahing landas na tinahak Niya upang matamo ang ganap na mga pagpapala ng Ama sa Langit na nakalaan para sa inyo.

Jesucristo …

Kayo …

“Nasa simula, bago pa itinatag ang daigdig” (D at T 93:7).

“Sa simula [rin] ay kasama ng Ama” (D at T 93:23).

“Hindi [Niya] tinanggap ang kaganapan sa simula, subalit nagpatuloy nang biyaya sa biyaya” (D at T 93:12). Ibig sabihin nito, Siya ay walang ganap na kaalaman tungkol sa Kanyang sarili at sa misyon Niya noong una Siyang pumarito sa lupa, ni taglay man ang buo Niyang kapangyarihan. Lumawak ang Kanyang kaalaman at kapangyarihan mula sa Diyos dahil sa Kanyang pagsunod.

Wala kayong ganap na kaalaman tungkol sa inyong pagkatao at layunin nang isilang kayo ngunit unti-unting yumabong ang kaalaman ninyo rito. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, binibigyan tayo ng espirituwal na kaalaman at kapangyarihan ng Diyos “ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin” (2 Nephi 28:30).

“Nagpatuloy nang biyaya sa biyaya, hanggang sa tanggapin niya ang kaganapan” (D at T 93:13).

Makatatanggap din ng kaganapan sa pamamagitan ni Jesucristo—kung susundin ninyo ang mga kautusan ng Diyos (tingnan sa D at T 93:27).

“Lumalakas at napupuspos ng karunungan [sa espiritu]” (Lucas 2:40).

Lumalakas sa espiritu sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasabuhay ng mga alituntunin ng ebanghelyo.

“Lumalaki sa karunungan …

Lumalawak ang karunungan sa pamamagitan ng edukasyon, mabuting pagpapasiya, at karanasan.

“At pangangatawan,

Lumalaki ang pangangatawan.

“At sa pagbibigay lugod sa Diyos …

Kalulugdan ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kautusan.

“At sa mga tao” (Lucas 2:52).

Mapagkakatiwalaan ng mga magulang at iba pang tao sa pamamagitan ng pagpapakita na nasa wasto nang isipan at responsable.

“Tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, …

Tinutukso.

“Gayon ma’y walang kasalanan” (Mga Hebreo 4:15).

Nagkakasala (gaya ng lahat ng tao)—ngunit maaaring maging malinis sa kasalanan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo kung magsisisi, magpapabinyag, tatanggapin ang Espiritu Santo, at makikibahagi ng sakramento.

Mangyari pa, may iba pang katotohanan tungkol kay Jesucristo na nagpapakita kung paano kayo o nagagawang tularan Siya (halimbawa, Siya ay bininyagan, at gayundin naman kayo—o maaari—rin). At makatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol kay Jesucristo para makita ninyo na sa landas ng buhay ninyo rito, tunay na “Namuno S’ya at landas ay ’tinuro” (“Dakilang Karunungan at Pagibig,” Mga Himno, blg. 16).