2018
Paano ko malalaman kung lubos akong nagsisisi?
March 2018


Tuwirang Sagot

Paano ko malalaman kung lubos akong nagsisisi?

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol na “ang ibig sabihin ng pagsisisi ay pagsisikap na magbago” at na “ang tunay na pagbabago ay maaaring mangailangan ng paulit-ulit na pagsisikap.” Sinabi rin niya na “upang lubos tayong makabaling sa Panginoon, dapat itong kapalooban ng isang tipan na susundin natin Siya,” na nilalaman ng tipan sa binyag at sakramento (“Ang Banal na Kaloob na Pagsisisi,” Liahona, Nob. 2011, 39). Ang ibig sabihin din ng ganap na pagsisisi ay pagbawi sa anumang pinsalang naidulot ninyo sa ibang tao. Bukod dito, sinabi ng Panginoon na ang isang taong ganap na pinagsisisihan ang kanyang mga kasalanan ay “aaminin ang mga yaon at tatalikdan ang mga yaon” (D at T 58:43). Kailangan ninyong ipagtapat ang lahat ng kasalanan sa Ama sa Langit at pati na ang mabibigat na kasalanan sa bishop. (Kung nag-aalangan, kausapin ang bishop. Nariyan siya para tumulong.)

Matapos gawin ang mga bagay na ito, isa sa mga paraan para malaman ninyo na ganap kayong nagsisisi ay ang makita at madama ang mga epekto ng pagsisisi—mga pagbabago sa inyong mga hangarin, nararamdaman, pananaw sa buhay, pakikipag-ugnayan, at pag-uugali. At, pinakamahalaga sa lahat, makakasama natin ang Espiritu Santo kapag ganap ang pagsisisi.