Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Reyna Esther
Mula sa Esther 2–8.
Si Esther ay isang reyna. Kasal siya sa hari ng Persia.
May kaibigan ang hari na isang masamang tao. Niloko nito ang hari na gumawa ng isang batas na kailangang patayin ang lahat ng Judio! Hindi alam ng hari na ang kanyang asawang si Esther ay isang Judio.
Nagpasiya si Esther na hilingin sa kanyang asawa, ang hari, na iligtas ang kanyang mga kababayan. Pero nag-alala siya na baka magalit ito. Hiniling ni Esther sa lahat ng Judio na mag-ayuno at manalangin para sa kanya. Pagkatapos ay nagpunta si Esther sa hari. Hindi ito nagalit!
Inanyayahan ni Esther ang hari at ang kanyang kaibigan sa isang hapunan. Sa hapunan, sinabi ni Esther sa hari na siya ay isang Judio. Nagalit ang hari na niloko siya ng kanyang kaibigan. Sasabihin niya sa mga Judio na maaari nilang protektahan ang kanilang sarili. Nailigtas ni Esther ang kanyang mga kababayan!
Maaari tayong humingi ng tulong sa Ama sa Langit sa panalangin. Maaari tayong maging matapang, gaya ni Esther.